"Ma'am andito na po tayo sa Aragon Empire."
"Salamat manong."
Agad na bumaba si Rose ng sasakyan matapos nyang magpasalamat, binilisan nya ang bawat hakbang dahil malapit na syang malate.
"Good morning Mrs. Aragon!"
Hindi napansin ni Rose ang pagbati sa kanya ng guwardiya sa entrance ng building maging ang pagtawag sa kanya nito bilang asawa ni Poseidon ay hindi nya namalayan, Nang makadaan sa entrance nagmamadaling pumunta sya sa receiving desk.
"To human resources department please." Magalang na turan ni Rose saka inabot sa babaeng receptionist ang I. D. at intro letter.
Tumaas ang kilay ni Rose ng tingnan sya nito, Magalang itong ngumiti sa kanya pero hindi naman tinanggap ang I. D. nya pati ang letter.
" Ma'am I apologies but you are no longer needed to report to our HR-"
Gulat na sinansala ni Rose ang iba pang sasabihin ng kaharap.
"What!? But I was already hired, don't tell me that I am already fired?"
Kinakabahan si Rose hindi pa man sya nagsisimula magtrabaho ay sisante na sya? Wala syang ginawang mali para masisante pwera na lang kung ayaw syang makatrabaho ni Poseidon.
Nataranta ang babaeng kaharap ni Rose dahil sa pagtaas ng boses nya. Pati ang ibang aplikante ay napahinto, napatinging sa gawi nila.
Nang makita sya ay parang biglang binuhusan ang mga ito ng malamig na tubig. Nagtataka man si Rose ay hindi na lang nya ito pinansin.
May takot ngunit magalang ulit na ngumiti ang receptionist kay Rose. Ang mga mata nito ay nakikiusap, halos mangiyak-ngiyak na nga ito sa harap nya. Hinawakan pa nito gamit
ang dalawang kamay ang palad ni Rose saka naki-usap."Mrs. Aragon I'm sorry I did not meant to offend you, Ma'am sasabihin ko lang naman po sana na diretso na po kayo sa office ni sir Aragon. Hindi nyo na po kailangang dumaan pa sa HR."
Napanganga si Rose sa babaeng nagmamakaawa sa harap nya. Napatingin sya sa kamay nitong nakahawak sa kanya pabalik sa mata nitong malapit ng lumuha.
Bakit bigla ata itong natakot kay Rose?
" Ma'am nagmamakaawa ako wag mo po akong sisantehin, may tatlong anak po akong pinag-aaral kung gusto nyo po ilipat nyo na lang po ako ng department. Kahit janitor po ayos lang po wag nyo lang ako sisantehin. Please ma'am"
Naguguluhang binawi ni Rose ang kamay, she smiled at the woman in front of her, assuring her that she is here to work not to fire her.
" Miss, sino ba nagsabing sisisantihin kita? Wala akong karapatan na gawin yun sayo."
Malumanay na turan ni Rose sa babae, gusto nyang mainis dahil malelate na sya pero hindi nya ginawa dahil baka umatungal ang kaharap kapag nagalit sya.
Sunod-sunod na umiling ang babae.
" Ma'am you have all the rights to fire me because you own this company. Sir Aragon the owner of Aragon Empire personally announced to us yesterday that you, Mrs. Moon Rose Mendoza Aragon will work here as his wife. "
Muntik ng lumipad papuntang ng rooftop ng building ang kilay ni Rose dahil sa narinig.
Pinipigilan nyang humulagpos ang inis para sa asawa. Ang usapan nila ay walang makakaalam na sya ang asawa ni Poseidon pero hayun, talagang pinagsigawan pa nya sa buong building.
"Kaya pala takot na takot ka. Wag ka mag-alala miss hindi kita sisisantihin. Mabuti pa ituro mo na lang sa akin kung saan ba ung office ni Poseidon."
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife
RomanceNow: "I will never love you... I will make your life like living hell Marrying me is your biggest mistake" Then: "If marrying her is just one of my wildest dream? I dont wanna wake up anymore. I dont know but fvck! ... i .. i love her .... i love...