Bumalikwas ng gising si Poseidon, napahawak siya sa ulo, mariin s'yang napapikit dahil sobrang kirot nito.
"Dahan-dahan, o heto uminom ka muna ng tubig," inabutan siya ni aling Dori ng isang basong tubig.
Kinuha ito ni Poseidon at agad na inubos ang laman. Pinatong n'ya ang baso sa lamesa na nasa gilid ng kama.
Inilibot n'ya ang mata sa paligid, puti ang kulay ng pader, may wall mount aircon sa gilid at walang bintana sa silid.
"Anong nangyari?" mahing tanong ni Poseidon.
Huminga ng malalim si aling Dori saka umupo sa gilid ng kama, kinuha n'ya ang kamay ni Poseidon hinaplos-haplos ito bago sumagot.
"Hindi kinaya ng katawan at isip mo nawalan ka ng malay. Dinala ka namin dito sa hospital dahil akala namin kung ano na nangyari sa'yo"
"Si Rose nasaan siya? Nagbago ba isip n'ya? Hindi na ba n'ya ako hihiwalayan?" sunod-sunod na tanong ni Poseidon, puno ng pangamba ang tinig n'ya dahil alam n'yang malabong mangyari ang magkatotoo ang hiling n'ya.
Malungkot na umiling si aling Dori, yumuko s'ya at hindi nagsalita. Hindi n'ya kayang tingnan si Poseidon dahil hindi n'ya kayang makita na nasasaktan ito.
Mapaklang tumawa si Poseidon. Gusto n'yang iuntog sa pader ang sarili o kaya ay magpakamatay dahil baka sakali maawa si Rose at bawiin lahat ng sinabi nito. Pero alam n'yang kahit anong gawin n'ya hindi na magbabago ang desisyon ng babae dahil malalim ang sugat na tinamo nito mula sa kanila.
"Mapapatawad n'ya pa kaya ako?" nanghihinang tanong ni Poseidon.
"Hindi ko masabi, kanina noong hinimatay ka paulit-ulit namin s'yang tinawag ngunit miski isang lingon hindi n'ya ginawa," malungkot na salaysay ni aling Dori.
Nanahimik lang si Poseidon, masakit para sa kaniya ang malamang walang paki-alam si Rose sa nangyari.
Nagpatuloy sa pagsasalita si aling Dori.
"Iho, hindi ko na alam. Napakahirap ng pinagdaanan ni Rose. Hindi kita kinokonsensya pero maski ako kung ako ang nalagay sa sitwasyon n'ya ay hinding hindi kita mapapatawad. Napakalubha pala ng kinikimkim n'ya, sa nagdaang buwan hindi man lang natin naisip na patay na pala ang papa n'ya. Siya na lang ang nagiisa sa mundo. Wala s'yang ina at kapatid. "
Lalong nawalan ng pag-asa si Poseidon."Tama ka aling Dori malabong mapatawad n'ya ako pero siguro kung susubukan kong ipakita na mahal ko s'ya magbabago ang isip n'ya at bibigyan n'ya ako ng isa pang pagkakataon. Maybe if I show her how much I love her, she will take a risk with me again. Maybe... Maybe she will love me."
Tiningnan ni aling Dori si Poseidon, naawa s'ya sa lalaki dahil kahit pa alam nitong ang mangyayari pilit pa rin itong nagbabakasakali.
"Oo nga pala, gising na ang mama pero mahina pa rin s'ya. Halika sa samahan kita sa kan'ya nilipat kasi s'ya ng kuwarto." Hindi na nagkomento pa si aling Dori patungkol kay Rose.
Hindi n'ya tutulan si Poseidon sa balak nito dahil mahal na mahal ni Poseidon si Rose at sino siya para pigilan itong makipagbalikan sa asawa.
Malungkot na ngumiti si Poseidon, bumaba s'ya mula sa kamang hinigaan saka sumunod kay aling Dori.
"Mama" mahinang tawag ni Poseidon sa ina, nilapitan n'ya ito. Umupo s'ya sa upuan malapit dito kinuha ang kamay ng ina saka idikit sa kaliwang pisngi.
Nakaratay sa isang hospital bed ang ina, malaki ang ipanayat nito. Ang dating matambok na pisngi ay ngayon lubog na. Ang mga mata nito ay kasing lamlam na ng gabi nawala na ang dating kislap nito.
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife
RomanceNow: "I will never love you... I will make your life like living hell Marrying me is your biggest mistake" Then: "If marrying her is just one of my wildest dream? I dont wanna wake up anymore. I dont know but fvck! ... i .. i love her .... i love...