Chapter 4

30 14 0
                                        

Alyana Grace's POV

Nagising ako dahil sa pag-uusap ni Faye at ni Kuya. Saan ako? Nasa Tagaytay pa kaya ako? Nanood kami ng sine .... ‘yon ang huli kong naaalala bago ako nakatulog.

Teka, saan ba ako ngayon?
Shit, bakit ang sakit ng ulo ko?!

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Color white ang paligid?

Nasa langit na ba ako?

“Kuya, ikaw po ba si San Pedro?!” sigaw ko bigla.

Napaatras ako nang bigla silang tumawa..... si Kuya at si Faye!

“Yana, nasa hospital tayo. Nawalan ka ng malay. Tatlong araw ka nang unconscious.” sagot ni Faye na ikinagulat ko.

“Tatlong araw akong walang malay?! Anong nangyari sakin? Bakit masakit ulo ko? Nasa Tagaytay pa ba tayo? Nasaan na sila Dylan?” sunod-sunod kong tanong.

Pamilyar talaga… pero bakit parang may maalala ako, tapos bigla ko na namang nakakalimutan?!

“Easy lang, Grace.” sabi ni Kuya habang umupo sa tabi ko.
“Nasa Laguna na tayo. Hindi na kami nag-celebrate ng Pasko dahil sa kalagayan mo.”

“Kamusta na pakiramdam mo?” tanong ni Kuya. Tumango-tango lang ako.

“Yana, umuwi na sina Dylan at Marky sa bahay nila para mag-celebrate ng Pasko. Nag-aalala din sila sa’yo kasi umiiyak ka raw bago ka mawalan ng malay.” paliwanag ni Faye habang nagbabalat ng mansanas.

“Oh, ito. Kainin mo para bumalik agad ang lakas mo.” sabi niya sabay abot ng plato ng hiniwang mansanas.

Salamat, Bal..” ngiti ko.

May gusto talaga akong maalala, pero tuwing pinipilit ko, sumasakit ang ulo ko!

Tumutulong ako kay Manang Celine sa pagluluto ng iba’t ibang putahe para mamayang gabi..... kasi magba-Bagong Taon na!
Ayos na rin naman ako, limang araw na mula nang makalabas ako ng hospital.

Aray!” usal ko nang mahiwa ko ng kutsilyo ang daliri ko. Maliit lang pero ang hapdi!

“Yana, hija! Jusko Maria Josef! Ako na dito. Magpahinga ka na lang... mukhang masama pa pakiramdam mo. ‘Yan tuloy, nasugatan ka.” nag-aalalang sabi ni Manang.

“Opo, Manang. Mauna na po ako.” sagot ko, sabay lakad papunta sa silid ko.

Kinuha ko ang gitara ko at nagsimulang umawit.
I love singing... gumagaan ang pakiramdam ko kapag kumakanta ako.

"Two old friends

Meet again

Wearin' older faces

And talk about the places
They've been"

Panimula ko habang dinadama ang bawat lyrics. May konting lungkot at kirot akong naramdaman. Hindi ko namalayan, lumuluha na pala ako. Parang may mga alaala na pumapasok pero agad din nawawala. Bukod doon, sobrang labo pa.

Agad kong pinunasan ang mga luhang tuloy-tuloy pa rin sa pag-agos. Siguro dahil sobrang nangungulila ako sa pagmamahal ng aking mga magulang. Miss na miss ko na sila. Minsan nga, parang sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala nila.... kahit hindi ko rin maintindihan kung bakit.

Tumayo ako at kinuha ang larawan nilang nasa frame. Pinagmasdan ko ang mga mukha nila. Parang dalaga pa rin si Mama.... ubod ng ganda, at kamukhang-kamukha ko talaga.
Si Papa naman, kahit binatilyo pa lang, halatang kahawig ko rin.
Si Kuya, kahit saang anggulo, kamukha niya si Ama.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon