Alyana Grace's POV
Naiirita na talaga ako sa mag-jowang ‘to. Pinapainggit nila ako.... hindi naman ako naiinggit, no! Nagpapalitan sila ng matatamis na salita at palaging hinahalikan ni Marky si Faye sa pisngi. Ang sweet! Pero syempre, supportive best friend naman ako!
“Ang daming langgam! Kinakagat ako!” sigaw ko.
“Saan ang langgam?” tanong ni Christian.
“Ay!” natawa ako at inirapan siya. Hindi naman niya sinakyan ang trip ko.
“Nandito ang mga langgam, kinakagat nila ako!” sigaw ni Christian.
Tsss. Late response yan.
“Stop that, para kang tanga.” sabi ko, wala sa mood. Nagkatawanan tuloy ang mag-jowa.
Pinsan ni Marky si Christian kaya palagi kaming magkasama kapag naggagala ang dalawa. Natahimik na lang ako at napatingin sa kawalan.
“Girl, nandito lang pala si Christian oh! Look, kasama niya pa ang mga malandi!” sigaw ni Reign.
“Kasama niya pa ang ex ko! Bagay nga sa kanya ang mangolekta ng basura!” mataray na sabi ni Kimyuri. Kakainis talaga ‘tong mga immature na ‘to.
Hindi na lang namin sila pinansin.
“Tol, tara gala tayo?” yaya ni Dave, boyfriend ni Reign. Nasa park kami ngayon, sa malapad na bench..... tambayan naming lahat.
“Sige, sumama ka na sa tropa mo.” sabi ko sa kanya.
Si Kim naman, jowa si Lance. Hanep! Baka bukas iba naman yan.
“Tol, bilis na! Magtatampo na kami sa’yo!” sabi ni Lance. Tiningnan ako ni Christian. Tinanguan ko siya bilang pahintulot. Dahan-dahan siyang tumayo at sumama sa tropa. Buti na lang at nawala na rin ‘yung mga nanggugulo.
Kinabukasan.
Dumiretso ako sa canteen. Nagutom ako sa kakakwento sa bruha kong best friend.
“Yana, bakit mag-isa ka? Saan si Faye?” tanong ni Alyssa.
“Iniwan ko doon sa garden. May date pa siya.” sagot, saka nag-order ng makakain.
“Yana, dahan-dahan naman! Wag mong kainin pati plato.” biro ni Alyson. Pero tuloy lang ako sa pagkain ng chocolate cake at inom ng hot choco. Dumagdag pa ako ng egg sandwich saka friend chicken.
“Yana, narinig mo ba ang balita?” tanong ni Lysa.
“Huh? Anong balita, Lysa?” tanong ko habang nagrurummage sa bag ko.
“Babalik daw si Dylan bukas!” sabi ni Alyson. “Yung popular... balita ko dito siya nag-aral dati.” she added.
What?! Popular? Malay ko. Hindi na ako gumagamit ng social media account... wala akong updates about mga sikat na ‘yan. Si DK, naka blocked ako sa social media accounts niya, kaya wala na rin akong dapat abangan sa social media.
Sino daw?! Dylan?! Biglang bumilis tibok ng puso ko doon ah!
“Sinong Delan?” tanong ko, dahilan para matawa silang lahat.
“Dylan!” sabay nilang sigaw.
“Maraming Dylan sa mundo.” palusot ko. “Sinong Dylan?”
“Dylan Keith Loges ba ‘yon?” tanong ni Alyson.
“Loges ka diyan! Lopin yata!” sabi ni Lysa.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time
Teen FictionWhat if fate gives you a second chance.... only to take it away again? Dylan Keith Lopez once promised a girl under the Narra tree that he would come back for her. Years later, after losing his memories, destiny brings him face-to-face with the same...
