Chapter 11

25 11 0
                                        

Alyana Grace's POV


Hindi ako nagsisisi sa mga desisyon ko. Kahit ilang beses akong sinaktan ni Dylan noon, siya pa rin ngayon ang isa sa mga dahilan kung bakit ako masaya at patuloy na lumalaban. As long as I have him and Faye, I won’t give up.

Napangiwi ako nang biglang sumakit ang puson ko, kaya dali-dali akong tumakbo sa banyo. Ayun na nga... nandito menstruation ko.

“Yana na maganda! Nandito boyfriend mo!” sigaw ni Faye.

Agad akong lumabas at tumakbo papunta kay Dylan para yakapin siya.

“Miss mo na agad ako?” he asked, smiling.

Tumango na lang ako... miss ko naman talaga siya.

“I miss you too, babe.” Ngiti pa niya.

Ang bango talaga ng boyfriend ko! Pero ako, parang kabaligtaran... hindi pa ako naliligo! Namula ako at napayuko sa hiya.

“Don’t worry, babe. Mabango ka pa rin.” natatawa niyang sabi.

“Eh! Bakit ka tumatawa? Nagsisinungaling ka, no?” nag-pout ako.

“I-I’m not lying. Ask Faye.” sabay smirk niya.

Nilingon ko si Faye.... ayun, pinipigilan ang tawa! Inaasar talaga nila ako!

“B-Bal… mabaho ba ako?” tanong ko habang nakanguso.

Hindi ko talaga gusto kapag may dalaw ako. Nagiging childish ako bigla.

“Ah... eh… h-hindi naman, pero hmmm… ‘yung ano.... basta alam mo na ‘yon.” sagot ni Faye.

Nanlaki ang mata ko... may tagos pala ako!

“I have a story to tell.” biglang sabi ni Dylan.

Humarap ako sa kanya.

“Ano ‘yon?” tanong ni Faye na may ngisi.

“I still remember nung high school pa tayo.” panimula ni Dylan. “Itong si Yana, akala buntis siya kapag may menstruation.” Napapikit ako sa hiya. Oh my God! Naalala pa niya ‘yon!

“She even thought she was pregnant.... and I was the father.” he chuckled.

Halakhak si Faye. “Ha? Pero nag-sex ba kayo? Hindi na ba virgin si Yana? Sagutin mo, Dylan!”

“We never had sex.” mabilis niyang sagot.

Namula ako nang sobra sa kahihiyan! Grabe talaga si Dylan, dinadaldal pa ‘yung mga ganun!

Dali-dali akong tumakbo sa kwarto. Hindi ko kasi alam noon na ang babae, nabubuntis lang kapag may actual na sex. Ni hindi nga kami nagki-kiss ni Dylan noon! Nakakahiya talaga!

Kumuha ako ng damit at pumasok sa banyo para maglinis. Hindi ako puwedeng maligo, sabi nila bawal daw kapag may dalaw. Dati hindi ko pinapansin ‘yung mga “bawal” na ‘yan, pero ngayon... susunod na nga ako.

Paglabas ko, dumiretso ako sa sala.

“You smell so good.” sabi ni Dylan na parang hindi lang niya ako pinahiya kanina. Naiinis pa rin ako!

Buntis ka ba ulit, Bal?” asar ni Faye habang tawa nang tawa.

“Faye!” sigaw ko sabay irap.

Niyakap ako ni Dylan mula sa likod at bumulong sa tainga ko. Ramdam ko ang mainit niyang hininga.

“Babe, sorry. Pero gusto mo ba talagang maging pregnant woman? I can make you pregnant.”

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon