Alyana Grace’s POV
Until now, naguguluhan pa rin ako sa sinabi ni Christian kahapon. Is that real? Does he really love me?
No!
Nasa kalagitnaan kami ng klase nang biglang dumating sina Faye at Kimyuri. Napatingin ako agad sa kanila... namumugto ang mga mata ni Kimyuri, halatang kakagaling lang niya sa pag-iyak.
“Y-Yana…” nanginginig ang boses ni Faye. “W-Wala na siya.” she added.
Ha?
“What do you mean, Faye?” tanong ko, kinakabahan na ako sa susunod niyang sasabihin.
“S-Si I-Ian…” tuluyan na siyang umiyak sa harap ko. Si Kimyuri, gano’n na rin. Lahat ng estudyante sa classroom napatingin sa amin... puro pagtataka ang mga mata nila.
“Na…naaksidente siya.” Nanlalambot na sabi ni Faye habang naupo sa tabi ko dahil nanginginig ang buong katawan.
No!
“D-Dinala siya sa hospital pero agad din siyang binawian ng buhay.” humahagulgol niyang dagdag.
Humagulgol si Kimyuri. Ngayon ko lang siya nakita na ganito.
“Te-teka nga! Hindi ko maintindihan!” sigaw ko, kahit nanginginig na rin ang boses ko.
“Tumigil nga kayong dalawa! Umupo na lang kayo at mag-aral. Huwag kung anu-ano sinasabi ninyo.” Pilit akong tumawa, pero ramdam ko ang panginginig ng kamay ko.
Natigil ako nang biglang dumating si Marky. Dire-diretso niyang niyakap ang umiiyak na nobya. Doon ko lang na-realize…
Totoo ang sinabi nila.
Napayuko ako.. hindi! hindi! Kaya ba ganon ang sinabi niya kahapon? Sabi niya hindi na niya kami iiwanan ni Faye eh! Bakit ganito?!
Totoo pala, hindi natin alam kung kailan kukunin ang mga taong hindi natin kayang bitawan. Sobrang sakit... mas masakit pa sa iniinda kong karamdaman ngayon.
Napapikit ako at hinayaang bumagsak ang luha ko.
Ang daya mo... hindi ka man lang nagpaalam.
Napaubo ako.... ‘yung malalim na ubo na halos hindi na humihinto. Hinihingal ako, habang patuloy ang luha. Lumapit si Faye at niyakap ako, pero lalo akong nahirapan huminga.
Unti-unti nang nagdidilim ang paningin ko. Alam kong lumalala ang sakit ko.
-
Pagdilat ko, puting kisame ang una kong nakita. Nasa hospital ako.
Napatingin ako sa aking tabi. I saw Dylan. Nakayakap sya sa akin ng mahigpit.
Naiiyak ako habang pinagmamasdan ang mukha niya. Ano ba ang nangyayari? Bakit nahihirapan akong huminga?
Wala akong lakas para gumalaw. May oxygen na nakakabit sa akin.
Simula pagkabata mahina na talaga ang baga ko. Mas lumala dahil sa mga nalalanghap kong usok mula sa sigarilyo ng iba, lalo na sa iskwater. Sari-saring amoy at polusyon, araw-araw kong kasama.
I feel hopeless. That's what they said.
“I-I love you, babe. Don’t leave me…” bulong ni Dylan habang tulog sa tabi ko. Kahit sa panaginip, nasasaktan ko siya.
Hinawakan ko ang kamay niya, dinala sa labi ko, at hinalikan.
“I-I love you, Captain…” bulong ko. Hinimas ko ang buhok niya habang nakatulog siya.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time
Teen FictionWhat if fate gives you a second chance.... only to take it away again? Dylan Keith Lopez once promised a girl under the Narra tree that he would come back for her. Years later, after losing his memories, destiny brings him face-to-face with the same...
