Alyana Grace's POV
I just kept walking..... hindi na ako lumingon pa.
“Oh? Yana, bakit hindi ka pa kumakain?” tanong sa’kin ni Faye.
Nasa restaurant kami ngayon, nagdi-dinner. Siguro nagtataka siya kasi usually takaw ko, pero ngayon di ko man lang nagalaw ‘yung food sa harap ko. Naiisip ko pa rin kasi ‘yung nangyari kanina.
“Kakain na nga.” sabi ko sabay subo ng lechong manok, may papikit-pikit pa habang nginunguya
“Ang sarap! Chomp! Sana sinabi mo agad!” sabi ko kay Faye habang puno pa ng pagkain bibig ko.
“Bruha ka talaga, Yana! Hinay-hinay naman, parang aso kang patay-gutom eh!” natatawang sabi ni Faye.
Inirapan ko na lang siya. Hindi naman ako asong PG! I just love eating.... ano bang masama dun?
“Busog na ako..” wika ko habang hinihimas-himas ang tiyan.
Naglakad na lang kami papunta sa park since boring naman kung diretso uwian.
“Bal, kilala mo ba ‘yung dalawang lalaki na kasabay natin sa eroplano?” tanong ni Faye sabay hawak sa kamay ko habang naglalakad kami.
“Ah, sina Dylan ba ‘yon? Nagkita na kami ng bakulaw na ‘yon kanina sa simbahan. Naligo kasi ako sa ulan tapos nabangga ko siya. Nagulat nga ako kasi bigla niyang hinawakan ‘yung braso ko at hinila ako papunta sa shed.” Pagkukuwento ko kay Faye.
“Gosh?! Weh?! So ibig sabihin concerned siya sa’yo? So ibig sabihin, gusto....”
“Heeep! Hindi no! Sabi niya sa’kin, hindi raw niya ako gusto! Sira ka talaga! Alam mo Faye, bagay kayo nung kasama niya!” sabay taas-kilay kong saad.
“Sira ka! Ang brutal mo!” sigaw niya sabay irap.
Hindi namin namalayang nasa park na pala kami. Medyo madilim, pero okay lang kasi ang ganda ng mga ilaw... iba’t ibang kulay. Ang daming tao... mga couples, bata, tropa, best friends.
December na kasi.... five days to go bago Pasko. Tiningnan ko ‘yung relo ko. 6:01 PM na pala.
“Bal, bili tayo ice cream!” yaya ni Faye.
“‘Ikaw na lang bumili, Bal. Libre mo na ako.” sabi ko sabay puppy eyes.
“Tamad mo talaga! Sige na nga, hintayin mo ako dito ha?” sabi niya bago umalis palayo.
Mula sa di kalayuan, napansin ko ‘yung dalawang sira-ulo... wait… sila nga?!
Si Dylan Keith at si Marky Lee!
At may kasama silang dalawang babae. Kahit medyo malayo, kita mo talaga ‘yung ganda nung girls.
‘Yung kasama ni Dylan... maputi, medyo matangkad, kulay chocolate ang kulot niyang buhok. Infairness, malaki ‘yung ano niya... Cocomelon.
Mukhang mag-couple ‘yung kasama ni Marky, pero si Dylan? GF ba niya ‘yung girl na ‘yon?
O baka alalay lang. O best friend? Ewan ko ba! Bakit nga ba ako nag ooverthink?
“Hoy, babae! Ano’ng ini-emote mo d’yan? Eto na ice cream mo, Kamahalan!” sabi ni Faye habang iniaabot sa’kin ang chocolate flavor.
“Thanks..” sabi ko na lang sabay upo. Umupo rin siya sa tabi ko sa bench, malapit sa malaking puno ng narra.
“Ang tahimik mo ah, may sakit ka ba?” tanong niya. Tumango ako.
“What?! Anong masakit sa’yo?” gulat na tanong niya.
“Sa puso... ” tulala kong sagot.
“Gaga! Iba na ‘yan ha!” sabay kurot niya sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time
Teen FictionWhat if fate gives you a second chance.... only to take it away again? Dylan Keith Lopez once promised a girl under the Narra tree that he would come back for her. Years later, after losing his memories, destiny brings him face-to-face with the same...
