Alyana Grace’s POV
Months have passed since I left the hospital.
And now, here I am... naglalakad kami sa park, kasama si Dylan, exactly how I once wished.
Nakabalot ako sa makapal na coat, pero ramdam ko pa rin ang lamig ng gabi. He begged me na huwag lumabas tonight, but I forced him. Gusto ko ulit maramdaman ang ganda ng gabi… kahit isang beses na lang.
“Let’s sit there.” malambing niyang sabi, tinuro yung lumang bench sa ilalim ng streetlight.
Tumango ako. Nang makaupo kami, yumakap agad siya sa akin, parang ginagawang shield ang mga braso niya laban sa lamig. I smiled secretly.
Naiwan si Faye doon sa eskwater… sa inuupahan naming bahay noon. She’s not alone naman, kasi pinadalhan siya ni Marky ng katulong para alagaan siya.
Ayaw umalis ni Faye at ayaw rin niyang makitira sa malaking mansyon ni Marky, kasi sabi niya, wala pa silang karapatang magsama sa iisang bubong. Tama rin naman, hindi pa sila pwedeng magpakasal dahil may pangarap si Faye na gustong tuparin ... ang makapagtapos ng pag-aaral. I admired her for that. Pareho kami ng pananaw, pareho kami ng prinsipyo. Gusto niyang maging proud sa kanya ang Mommy at Daddy niya kahit na wala na dito mundo.
Masipag mag-aral si Faye… Ako? Huminto na. No’ng tumigil ako, sobrang sakit, pero wala akong choice eh. Nauubos na ang oras ko sa mundong ‘to, so ano pa ang silbi ng diploma para sa tulad ko? Pero si Faye… pinangako niya sa akin na kahit anong mangyari, magtatapos siya.... para sa aming dalawa. Lagi niyang sinasabi na ang tagumpay niya, tagumpay ko rin.
Every word from her melts my heart. Sometimes I wish… I could stay longer.
I failed my promise to her. Nasaktan ko siya. Kasalanan ko ba kung ganito ang tadhana ko?
Pero kahit ganito… masaya pa rin ako. I have my Dylan Keith Lopez, and a best friend like Fayeche.
Ngayon, nakatira na ako sa mansyon ni Dylan. Dinala niya ako rito kasi ayaw na niya akong bumalik sa eskwater... lalo na sa kondisyon ko. Hindi niya na ako pinayagan pang mahirapan. Kumuha rin siya ng personal doctor para sa akin… para mabantayan ako, araw at gabi.
“Babe… I can’t live without you.” mahina niyang bulong.
Araw-araw niyang sinasabi ‘yan. Parang dasal na niya ito. At araw-araw din, pakiramdam ko may bumibiyak sa puso ko kapag nakikita ko siyang nahihirapan, na tanggapin ang katotohanan.
Hindi ako sumagot. Ang mata ko ay napunta sa isang batang nakahiga sa karton malapit sa basurahan, nanginginig ang bata sa lamig.
“B-Babe, nakikita mo ‘yon?” sabi ko sabay turo sa batang lalaki na nakahiga sa karton. My heart squeezed a little. Gusto kong tumulong sa mga nangangailangan… iyon ang gusto kong gawin habang kaya ko pa. That boy is homeless.
“Babe… tulungan natin siya.” mahina pero puno ng sinseridad kong sabi. “May pangarap din siya sa buhay. Gusto kong makita siyang magtagumpay.” Napangiti ako. Naawa ako sa kanya. Ano kaya ang pinagdaanan niya? Bakit mag-isa lang siya sa kalye?
“Yeah… he is.” Malambing ang boses ni Dylan. “Gusto mo ba… ampunin natin siya?”
Nanlaki ang mga mata ko. “C-can we?” tanong ko na may halong excitement.
Tumango lang siya at ngumiti... pero mabilis ding nawala ang ngiti niya nang bigla akong napahawak sa dibdib ko.
Every breath burned. Parang dinudurog ang loob ng dibdib ko. Masakit. Sobrang sakit. Umatake na naman ang ubo ko.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time
Teen FictionWhat if fate gives you a second chance.... only to take it away again? Dylan Keith Lopez once promised a girl under the Narra tree that he would come back for her. Years later, after losing his memories, destiny brings him face-to-face with the same...
