Chapter 16

16 8 0
                                        

Alyana grace's POV



No’ong New Year, akala ko hindi na ako magigising. I'm still alive. Isang buwan na ang nakalipas.

I'm with Baby Brent right now. Buti na lang pinayagan kami ni Dylan na lumabas. Hindi namin kasama si Dylan kasi may lakad siya. Ayaw niya sabihin kung saan, pero sabi niya may surprise raw siya pag-uwi niya. Na-excite tuloy ako.

“Mom, alam mo ba kanina no’ng bumili ako ng cotton candy, may nakita akong babae. I think kasing-edad n’yo rin…” malungkot na sabi ni Brent. Nagtaka ako kung bakit niya sinasabi ‘yon sa’kin.

“N-naawa ako sa kaniya. Pwede ba natin siyang puntahan? Please, Mom? Gusto ko siyang pasayahin…” masigla pero may bakas ng lungkot ang boses niya.

Sampung taong gulang pa lang siya, pero ang laki na ng puso niya.

“Sure, Baby. Ituro mo sakin. Let's help her.” I smiled. Agad kong nakitaan ng saya ang mukha niya at marahang hinila ang kamay ko.

Habang naglalakad kami, bumabalik ang mga alaala. Ang park na ‘to… dito kami madalas ni Faye. Dito rin kami sinusugod ni Reign at Kimyuri noon. Kamusta na kaya sila? Si Reign? Galit pa rin kaya siya sa’kin?

“Mommy, ayun siya!” Tinuro niya ang babaeng nakaupo sa lumang bench, halatang malungkot. Tulala lang ito sa kawalan.

She looks familiar.

Owwww… si Reign?

“I-I know her.” sabi ko, at halos pabulong. Siya nga. Ang payat na niya. Halos hindi pa ako makapaniwala.

Dahan-dahan kaming lumapit. Napansin niya kami at tumingala, may bakas ng pagtataka sa mata. She looks pale… may sakit ba siya?

“R-Reign." I said shocked. Alam kong nagulat rin siya.

"H-How are you?” ngumiti ako.

Hindi siya agad ngumiti pabalik. Saglit siyang napahawak sa dibdib niya na para bang hirap na hirap huminga… halos hindi maibuka ang bibig para magsalita.

“Are you okay, ate?” tanong ni Brent, he looks concern.

“A-Alyana…” she whispered weakly. Saglit siyang tumingin kay Brent, at dahan-dahan lang tumango.

Umupo kami sa tabi niya. Tahimik si Brent, pero halatang pinagmamasdan niya si Reign nang may paghanga. Bakit parang may sparkle sa mata ng batang ‘to? Crush pa yata nito si Reign eh.

“I-I am so… thankful to see you here.” mahinang sabi niya sabay ngiti.

Weird. Bakit siya thankful? Hindi ba niya naaalala na ako ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal nila ni Marky? Na ako ang dahilan ng sakit niya noon?

“H-hindi ka na ba galit sa’kin?” lakas-loob kong tanong.

Ngumiti siya ulit. She looks tired.

“I-I can’t stay any longer, Alyana…” bulong niya.

Nanlaki ang mata ko. “R-Reign… may sakit ka rin ba?”

“I-I want to marry him… I want to be his wife… before I die…” sabi niya habang nakatitig sa kawalan.

Si Marky. Siya pa rin ang laman ng puso ni Reign. I can't believe. No'ng highschool paiba-iba ng boyfriend si Reign eh. Pero si Marky lang pala ang greatest love niya.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at tumitig sa akin.

“D-dahil sa’yo, nakalaya si M-Marky sa makasarili kong intensyon… Thank you. Ngayon ko lang na-realize… mali ako noon…”

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon