Alyana Grace's POV
Nakitira lang kami sa pinsan ni Christian. Loko-loko tong si Faye... dinala n'ya ako rito wala naman pala siyang bahay dito.
"Nakauwi na ang ex mong sikat." sabi ni Christian.
So?
"May ex ba ako?" kunot-noo kong tanong.
"Ikaw talaga, Yana! Nakakatuwa ka pa rin. Masunurin ka talaga, Yana!" natatawang sabi ni Faye.
"E ayaw ko talagang bumalik dito. Ayaw ko rin maglakad ng dalawang oras." malamig kong sagot. Nagka-amnesia ulit tuloy ako.
"Talaga lang, ha?" smirk ni Faye.
Ano 'to, tingin niya sa'kin tanga? Hindi kaya!
Ngayon, nandito kami sa balkonahe, nakaupo habang nagkakape. Tahimik lang, malamig ang simoy ng hangin.
"Talaga bang kakalimutan mo na si Dylan?" tanong ni Christian, seryoso ang tono. "Nakita ko pa nga kayo dati, magkahawak kamay pa sa school."
Gusto ko talaga siyang sabuyan ng kape sa sinabi niya. Pinaalala niya pa talaga sa akin.
"I didn't remember." sabi ko sabay irap. "Masyadong pangit 'yong nangyari... kaya mas mabuting kalimutan na lang." Tsss.
Tumawa si bruhildang Fayeche. Kasalanan niya kaya ako nandito ngayon, no? Kakainis siya!
Ang sakit na ng mga paa ko tapos ako pa pina-utosan bumili ng pandesal. Grabe talaga.
"Sige na nga... uuwi na rin kami bukas." bulong ko sa sarili.
"Mang Tony, pabili nga po ng 50 pesos na pandesal.... 'yung bagong luto ha." sabi ko habang nakangiti.
Kilala ko naman si Mang Tony, kahapon kasi kasama ko si Faye nung bumili kami dito.
"Ito na, 'ning. Maraming salamat." nakangiting sabi niya.
Maliit lang 'yung panaderya niya pero maayos at maraming laman. Tinanggap ko na 'yung pandesal at naglakad pauwi. Pero habang naglalakad, mas naiinis ako kay Faye... literal na pinapahirapan niya talaga ako dito. Nagkasabwat pa talaga sila ni Christian para parusahan ako. Kasalanan bang mahirap kalimutan si Dylan?
Napabuntong hininga ako habang nasa isip ko parin ang lahat ng pinagawa sakin ni Faye.
Kahapon, pinaigib niya ako ng tubig... eh bakit hindi si Christian na lang? Pinatanim pa ako ng gulay, pinabungkal ng lupa, pinawalis ng tae ng kambing, at pinapalinis ng kulungan ng biik! Ang sama! Hindi ba siya aware na pagod na pagod na ako?! Gusto ko na talagang umiyak!
Halos mangiyak-ngiyak na ako habang naglalakad, tuwing naaalala ko 'yung "training camp" na ginawa sa'kin ni Faye. Hindi ko sana susundin, pero binlackmail niya ako..... ang sama talaga ng ugali niya.
"Hindi ka makakaalis dito kung hindi mo 'to gagawin!"
See? How immature she is!
-
Faye Che's POV
I don't want her to get hurt emotionally. Kapag nade-depress si Yana, sobrang delikado 'yon para sa kanya. Kaya andito lang ako, watching over her.
Alam kong pinapahalagahan din siya ni Christian... kaya nga napamahal na rin siya sa'kin. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Naging kakampi ko si Christian sa pag-aalaga kay Yana.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time
Teen FictionWhat if fate gives you a second chance.... only to take it away again? Dylan Keith Lopez once promised a girl under the Narra tree that he would come back for her. Years later, after losing his memories, destiny brings him face-to-face with the same...
