Chapter 1

100 15 10
                                        

Alyana Grace's POV

Nasa tapat ako ngayon ng simbahan... actually kakatapos ko lang magsimba. Ewan ko ba, baka ako na talaga ang Reyna ng Kamalasan, kasi naman biglang umulan ng malakas, sakto pa nung palabas na ako!

Gumaan naman ‘yung pakiramdam ko after mag-pray, pero parang bumibigat ata ‘yung ulo ko. Napayakap na lang ako sa sarili ko kasi ang lamig ng hangin, parang nanunuot sa balat.

Mukhang hindi na titila ‘tong ulan, nakakainip na rin maghintay.

Eh tutal malamig naman, wala rin naman akong payong, siguro mas okay na rin kung maligo na lang ako sa ulan.

Sabi ni Manong driver dati, “mawawala daw ang lamig pag nabasa ka na.”

Totoo kaya ‘yon? Ma-try nga!

Kahit sobrang lamig, lumusong na ako sa ulan. Gusto ko lang maramdaman ‘yung mga eksena sa Korean drama, yung tipong carefree and dramatic sabay.

Talon... ikot. Talon... ikot. Talon... ikot.

Parang sinasayaw ako ng ulan. Ang gaan sa pakiramdam!

“Ang saya!” sigaw ko sabay tawa.

Pero bigla kong narealize, oh my gosh, nakakahiya pala! Lahat ng tao nakatingin sa’kin...  ‘yung iba nga, tumatawa pa!

“Hoy! Huwag n’yong tingnan ng ganyan, wala akong payong, okay?!” sigaw ko sabay ngiti ng matamis.

Tskkk.”

Whahahaha.”

“Cute pa rin siya!”

Ngumiti pa ako lalo at umikot ulit. Grabe, ang saya! I felt free. I even forgot my problems for a while.

Boghss!

Bigla akong may nabangga. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko.

Shit! Is he my savior?

His eyes… damn, ang ganda. Parang may spark!

Isayaw mo ako sa gitna ng ulan, mahal ko...

Kapalit man nito’y buhay ko,

gagawin ang lahat para sa’yo...

He looks so familiar! Like I’ve seen him before.

Pero wait.... bakit parang umuusok ‘yung tenga ni Kuya Angel? Hala baka galit!

Tumingin ako sa kanan, kaliwa, likod.... wala namang tao. Hala! Baka multo?! Shit, Alyana!

“Are you out of your mind, Miss!?” galit niyang sabi.

Miss? E mas gusto ko kung Binibini, mas classy ‘di ba?

“Miss? Dapat Binibini, Kuya Angel, para cool! At saka.... hala! dumudugo ilong ko kaka english mo!” sabi ko sabay hawak sa ilong ko na kunyari may dugo.

Wahahahaha!”

“HAHAHAHAHA!”

Napangiwi si Kuya Angel, basang-basa na rin siya kasi nahulog ‘yung payong niya nung nabangga ko siya.

Kasalanan ko ba ‘yon? Lagot!

“Stupid,” tipid niyang sabi sabay abot ng payong. Hinawakan niya braso ko at hinila ako papunta sa waiting shed.

“Kuya! Bakit mo ako hinila?! Naliligo pa ako sa ulan oh! Nilalamig tuloy ako! kasalanan mo ‘to!” sigaw ko sabay hampas sa braso niya.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon