Chapter 5

33 12 0
                                        

Alyana Grace's POV

Katatapos lang ng dalawang subject pero lutang pa rin ako. Ewan ko ba..... am I crazy na ba? Pero I really hate myself for overthinking… about a guy pa talaga?!

“Oh! Ito, burger at Dutch Mill mo, Kamahalan.” sabi ni Fayeche habang inaabot sa’kin ang pagkain. Tinanggap ko naman iyon kahit wala talaga akong gana.

Nandito kami ngayon sa garden ng school, break time na kasi. Wala akong ganang pumunta sa canteen.... mas nakakainis pa, kaklase pa naman namin sina Dylan, Marky, at siyempre si Kimyuri.

Bakit nga ba ako naiinis? Sh*t! I feel something strange!

“Yana, bakit ganyan ang mukha mo? Napaano ka? Wag mong sabihing nagse....” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya kasi iniwan ko na siya.

Bahala na nga siya. Naglakad ako sa corridor at umakyat sa hagdan papuntang rooftop. I need fresh air. Tama ba English ko? Parang nabobo na ata ako.

Nagpatuloy lang ako sa pag-akyat hanggang sa marating ko ang rooftop. Akala ko mas makahinga na ako nang maluwag… pero nagkamali pala ako. Mas lalo akong hindi makahinga sa nakita ko.

Si Dylan at si Kimyuri. They’re talking!

Hindi nga ako pumunta sa canteen, tiniis ko pa gutom ko para lang hindi sila makita... tapos ngayon, ako pa mismo ang dinala ng tadhana sa kanila?! Gosh, how stupid I am.

Bakit nga ba ako ganito? Bahala na nga. Kunwari hindi ko sila nakita. Kunwari hindi ako affected. Kunwari lang naman…

"Lalalala I'm a Barbie girl, in the Barbie world Life in plastic, it's fantastic! you can brush my hair, undress me everywhere imagination, life is your creation come on Barbie, let's go party!"

Pagkanta ko habang naglalakad malapit sa puwesto nila. Kunwari lang, ‘di ba? Haysss, ang hirap din pala magpanggap na chill.

“Oh my gosh! Hanggang dito ba naman may mga asungot.” parinig ni Kimyuri habang taas-kilay pa talaga.

“Y-Yana, andito ka pala? Umupo ka rito. Ito kasing si Kim, nagpasama sa’kin dito.” sabi ni Dylan sabay ngiti.

Bakit nga ba siya nagpapaliwanag? Hindi ko naman siya tinanong ah?

“Ah.... eh, paalis na rin naman ako. Sige.” sabi ko sabay talikod at umalis sa harapan nila.

“Buti na lang wala nang istorbo.” rinig kong sabi ni Kimyuri.

Saan na kaya si Faye? Nakukonsensya tuloy ako sa pag-iwan ko sa kanya. Saan kaya ako pupunta ngayon? May mga impakto sa tambayan ko, tapos vacant pa next class namin, wala ring teacher last period..... so technically, uwian na.

Saan kaya ako kakain nito?

Hindi ko na namalayan, nasa likod na pala ako ng school. Ang lawak ng kakahuyan dito, puro matatangkad na puno ng acacia. May isang malaking upuang bakal sa gitna, kaya naisip ko..... mabuti pa dito na lang ako kaysa makasama pa yung mga impakto.

Naglakad ako papunta sa gitna hanggang sa marating ko ang upuang bakal. Huminga ako nang malalim.

Mas gusto ko talagang umawit kapag ganitong lugar.... may mga dahong nalalaglag mula sa puno, mga ibong kumakanta, at malamig na hangin na tinatangay ang mahaba kong buhok. Ang cool! Buti na lang walang klase, kaya dito na rin ako magla-lunch.

"Akala mo hindi ko nakita

Maligaya ka 'pag ako ay masaya

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon