Chapter 7

21 11 0
                                        

⚠️ Trigger Warning
This chapter contains scenes depicting emotional distress, self-harm, and suicidal thoughts. Reader discretion is advised.

Faye Che’s POV

I love my best friend, and I don’t want to lose my twin. Hindi kami magkadugo, pero kapatid na ang turing ko sa kanya. Hindi ko maisip na nagawa niyang wakasan ang sarili niyang buhay! Sobrang sakit… kasi best friend ko siya! Dapat tinawagan niya ako! Dapat nandoon ako para sa kanya!

Tatlong araw na ang nakalipas, pero wala pa ring malay si Yana. Namumutla siya, at mataas ang lagnat. Ang lalim ng sugat niya.

Nandito kami ngayon sa ospital.... kasama sina Kuya Albert, Manang Celine, at Ate Unika. Hanggang ngayon, nagluluksa pa rin si Kuya sa nangyari kay Alyana. Naiintindihan ko siya. Si Alyana lang ang tanging pamilya niya.

Tatlong araw na rin, pero sariwa pa rin sa isip ko ang nangyari... kasi nando’n ako mismo sa bahay nila nang mangyari iyon. Mas masakit, hindi niya kinaya... mas ginusto niyang mawala kesa, humingi ng tulong sa akin.. sa amin.

Muntik nang mamatay si Alyana. Muntik na akong mawalan ng pinakamatalik kong kaibigan.

Flashback

Hindi ko alam kung bakit, pero kabado ako.

“Yana, hija! Diyos ko, Maria, Jose!” malakas na sigaw ni Manang. Dali-dali kaming tumakbo papunta sa kwarto ni Yana.

Nadatnan namin siyang nakahiga, walang malay, habang pilit siyang pinapagising ni Manang na umiiyak nang todo.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang dugo.... sobrang dami, galing sa pulso niya! Duguan ang bedsheet, at nanginginig ako sa kaba. Mangiyak-ngiyak kong pinanood si Kuya Albert habang binubuhat si Yana. Isinugod namin siya agad sa ospital. Hindi ko na napigilang umiyak… lalo na nang unti-unting humihina ang tibok ng pulso niya.

She’s dying! No, Yana, please!

“Alyana Grace! Madami ka pang maririnig na pang-aasar galing sa akin, kaya gumising ka!” iyak ko.

Pagdating sa ospital, agad siyang dinala ng mga nurse sa emergency room. Ilang sandali lang, lumabas ang doktor.

“Who’s the family of the patient?” tanong ng doktor.

Tumayo agad si Kuya Albert.

“How’s my sister, Doc?” he asked, tears streaming down his face.

“Mabuti na lang at nadala n’yo siya agad dito,” sagot ng doktor. “Kung natagalan pa, baka hindi na natin siya nailigtas. She sustained a deep cut on her wrist.... a self-inflicted wound. We’ve managed to stop the bleeding and stabilize her condition. Right now, she’s in a critical but stable state.”

The doctor took a deep breath before continuing. “Based on her condition and the nature of her injuries, she’s showing signs of severe depression and suicidal behavior. We’ll need to monitor her closely for infection and high fever due to blood loss and stress. Once she regains consciousness, I recommend that she receive psychiatric evaluation and therapy to help her recover emotionally and mentally.”

"Thank you so much for saving my Sister Doc. I will do everything for her." Kuya said weakly.

Hindi ko alam na nahihirapan na pala siya. Hindi ko rin akalaing gagawin niya ‘to. Sobrang biglaan. Ang hirap paniwalaan. She was struggling so much, and she never told me.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon