Chapter 6

20 12 0
                                        

⚠️ Trigger Warning
This chapter contains scenes depicting emotional distress, self-harm, and suicidal thoughts. Reader discretion is advised.

Alyana Grace's POV

Natapos lang ang klase, pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko. Hindi naman siguro mapupunit 'tong labi ko sa kakangiti, 'di ba? Hindi lang talaga ako maka-get over sa sinabi sa akin ni Dylan.

Dahil sa tatlong celebrities ay doon na halos nakatutok ang paningin ng mga babae. Of course, hindi ko rin maiwasan na hindi tumingin.

"Sakin ka lang tumingin...."

Ah! Yes... nagseselos na si Dylan!

"Oh Yana, bakit? Bakit pula ka? May sakit ka ba?" tanong ni Faye, sabay hawak sa leeg at noo ko.
Umiling lang ako at ngumiti.

"Kwento ka naman d'yan." pang-aasar pa niya. Tumikhim ako bago nagkwento.

"He's probably into you.." irit ni Faye. Namula ako. I hope so!

"Hmp! Ikaw naman, kwento ka rin! Ang daya mo, ako lang lagi!" sabi ko habang nakanguso.

Break time namin noon, kaya nasa garden kami, kumakain ng banana chips.

"Ayun nga, nililigawan ako ni Marky. Pero hindi ko pa siya sinasagot ha! Hard to get ako, akala niya madali lang ako!"
Nakangiti at namumula si Faye habang nagkukwento.

"Tsk, sagutin mo na kaya. Baka landiin pa ni Reign at magkabalikan sila! Kawawa ka naman!" natatawa kong sabi.

"May iba na siyang gusto....si Dave!" sagot ni Faye, sabay ngiti.

"Teka, bakit kaya hindi ka pa nililigawan ni Dylan?" tanong niya bigla.

"I don't know, baka nahihiya sa beauty ko!" sagot kong may ngisi.
Natawa siya.

"Hala Yana! Baka pinapaasa ka lang ni Dylan. Pinapakilig ka, tapos pag nahulog ka, hindi ka naman sasaluhin!" pang-aasar niya.

Medyo kinabahan ako sa sinabi niya. Is that true? Bahala nga siya.

Tumayo ako. "Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Hahanapin ko si Marky at papuntahin dito! Dare ko siyang halikan ka... with video para tumigil ka sa kakaputak!" pikon kong sabi. Namula agad ang bruha!

"Lagot ka sa 'kin! E dare ko rin si Dylan na buntisin ka!" sigaw niya pa.

What the?! Sineryoso niya talaga?! I rolled my eyes. Nakakainis!

Aalis na sana ako, pero napahinto ako nang may biglang tumawa mula sa puno sa garden.

Dahan-dahan akong tumingala... at bumungad sa amin ang nakangising mukha ng dalawang lalaki.

Shit.

Si Dylan at Marky! Ibig sabihin kanina pa sila doon? Narinig nila lahat ng pinag-usapan namin?!

Bigla silang tumalon sa harap namin. Napasigaw pa si Faye sa gulat.

"K-Kanina pa kayo r-rito?" tanong kong nauutal.

Tumango si Marky. Umiling naman si Dylan. Ano ba talaga?!

"A-Ang totoo?" singit ni Faye.
Tahimik ang dalawa.

"Ano ba!" sigaw ko. Saka lang sila sabay na tumango.

Napuno ng inis at hiya ang dibdib ko. Bakit ba kailangan nilang makinig sa usapan ng iba?!

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon