Chapter 3

36 15 0
                                        

Alyana Grace's POV

I just stared at him coldly. He’s just nothing, right, Yana?

“Ikaw na naman... parang palagi yata tayong pinagtagpo ng tadhana ah?” Natatawang sabi niya.

“Sa aking palagay... sinasadya mo yata akong sundan.” sarcastic kong sabi. Bahagya siyang natawa.

Sadyang dito rin ang aming bakasyon.” he responded.

“Mauna na ako sa iyo..... ano nga ba pangalan mo?" I smiled.

“Dylan Keith Lopez...” pakilala niya habang naka-ngiti sabay lahad ng kamay. Gusto kong umirap pero mabait ako ngayon.

Alyana. ‘Yana’ for short.” sabi ko at tinanggap ko ang kamay niya.

Nag-shake hands lang naman kami pero parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko! Buti na lang di kami tumalsik gaya sa fantasy stories. Grabe!

“Mauna na ako.” saad ko sabay lakad palayo sa kanya.

Lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko! Bakit kaya? Gosh, baka may sakit na ako?

“Ang tagal mo, Yana!” sigaw ni Faye.... enjoy na enjoy pa talaga siya sa tubig. Malay ko ba, baka nagsasanay siyang sumisid para kapag kinasal siya sa shokoy, marunong na siya!

“HAHAHAHA!”

“Sira ka talaga! Ano na naman ba ’yang naiisip mo? Kilala kita, Yana ha!” sigaw ng amazona kong BFF.

“Ang ingay mo, ilang shokoy bang gumahasa sa’yo?” natatawa kong sabi habang umupo ako sa buhangin.

“Ang brutal mo!” bulyaw niya, feeling mermaid pa talaga ang bruha.

“HAHA! Faye, pwede ka nang maging mermaid!” asar ko, habang naka-ngisi lang.

“Bakit naman, aber?”

“Para pwede ka nang pakasalan ng shokoy!” sagot ko sabay hagalpak sa tawa. Ang sarap asarin ni Faye!

“ARAYYYY! Bakit ka naman nambabato?!” sigaw ko sabay irap sa kanya. Pikon pala pag pinatulan!

“Loka-loka ka eh! Ikaw kaya ipakasal ko sa shokoy!” sigaw niya, pilit pinipigilan ang tawa. Sarap ihawin, eh!

Hyss bahala nga siya!

“Hi, Yana.”

Nabigla ako nang may bumulong sa likuran ko. Pamilyar ang boses!
Dali-dali akong lumingon... gosh! Kay gwapo naman nitong nilalang na ’to!

“H-Hello, Dylan.” nauutal kong tugon. Bakit nga ba ako nauutal?!
Napatingin ako kay Faye, pero tinitigan lang niya ako na may panunukso. Tss! Buti na lang at hindi niya ako inasar pa.

Lumakad si Dylan papunta sa tabi ko at umupo rin sa buhangin.

“Are you okay?” nag-aalalang tanong niya.

Tumango lang ako at binaling ang paningin sa baybayin. Ang ganda talaga ng tanawin.

“HMMM! HMMM! May hindi yata ako nalalaman!” pang-aasar ni Faye habang papalapit sa amin.

“Sira ka talaga!” sigaw ko.

“Pupunta muna ako sa cottage para di ako makaistorbo sa inyo.” sabi niya na may panunuksong ngiti.

“Sino nga ulit ’yong kaibigan mo?” tanong ni Dylan habang nakatingin kay Faye.

Crush niya ba si Faye? So nilapitan niya ako para lang maging close kay Faye?!

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon