Alyana Grace's POV
Nabigla ako nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit, parang ayaw na niyang pakawalan. Ramdam ko ang tibok ng puso ko, mabilis, malakas, magulo. Pero hindi pwede. Hindi na ako 'yung Alyana na dati-'yung madaling paikutin, 'yung tanga pagdating sa kanya. Hindi na ako si AG na hindi mabuhay nang wala si Dylan.
Bakit pa siya bumalik?
"S-Sorry for everything I've done... b-babe...." mahina niyang bulong.
Napangisi ako sa sakit. Babe? May karapatan pa ba siya? Mabubura ba ng sorry niya lahat ng luha, lahat ng sakit, lahat ng gabi na halos isumpa ko 'yung pangalang 'yon? Ang dali para sa kanya sabihin ang "sorry," pero ako-ako 'yung naiwan, ako 'yung bumagsak eh.
Unti-unti siyang humiwalay. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin-lahat nagulat. Ang mga babae kanina na nagkakandarapa sa kanya, ngayon nakatitig na lang, tahimik. Pero ako? Walang ekspresyon. Wala akong ipapakitang emosyon.
Bigla na lang akong hinila ni Faye.
"E-excuse me, Sir! Uuwi muna kami ng kaibigan ko, may sinat siya!" halos sigaw niya habang hinahatak ako palayo. Hindi ko na nakuhang tumutol.
Pagkalayo namin, sumabog na si Faye.
"Yana! Ilang beses na kitang sinabihan na kalimutan mo na 'yung lalaking 'yon! Masasaktan ka lang! Ang tanga mo talaga minsan! Kung buhay pa si Kuya mo-hay, naku! Ewan ko na lang!"
Napayuko ako. "P-Pero siya naman ang yumakap sa'kin, Faye. Wala akong sinabing kahit ano." malamig kong sagot.
Huminga siya nang malalim. "Basta. Pinapaalala ko lang, huwag ka nang magtiwala sa kanya."
Tumango ako, pilit na ngumiti.
"B-Bal, magpapahangin muna ako. Medyo naguguluhan lang ako, sana maintindihan mo."
Tinitigan niya ako saglit bago tumango rin. "Sige. Pero 'wag kang umiyak ng sobra ha?"
Ngumiti ako. Thank you, Faye.
-
Tahimik ang paligid ngayon. Nasa ilalim ako ng punong narra, nakaupo sa lumang tabla. Sinubukan kong huminga nang malalim, kalmahin ang sarili.
Kung tadhana ang susundin ko, lalayo ako kay Dylan.
Pero kung puso ko-baka kaya kong magpatawad.
Pero alam kong kapag puso ko ang pinili ko, baka pareho lang kaming masaktan.
"B-Babe."
Halos mahulog ako sa kinauupuan ko. 'Yung boses na 'yon... kilalang-kilala ko. Lumingon ako.... at ayun siya.
Dylan Keith.
Mas matured na siya ngayon. Mas seryoso ang mukha. Pero bakit kailangan pa niyang lumapit? Bakit kailangan pa niyang bumalik para guluhin ulit 'yung kapayapaan ko?
Tumingin ako sa kanya ng matigas. Ayaw kong magpatalo sa emosyon. Pero nang makita ko 'yung mga luhang tumutulo sa mata niya... parang may kung anong kumurot sa dibdib ko.
"It's been a long time since I saw you.." sabi niya. "You look... matured."
"H-How are you? I'm sorry for everything, Yana. I'm sorry if I came back too late. I came back... for you."
Ang mga luha niya, tuloy-tuloy. Pero ako? Tahimik lang. Pinili kong makinig. Kasi kung tatakbo ako ngayon, hindi na matatapos 'tong cycle na 'to.
"D-Dylan, okay lang ako. Buhay pa, at masaya." malamig kong tugon.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time
Ficção AdolescenteWhat if fate gives you a second chance.... only to take it away again? Dylan Keith Lopez once promised a girl under the Narra tree that he would come back for her. Years later, after losing his memories, destiny brings him face-to-face with the same...
