__
Ilang oras din akong nakatulog sa bahay ni Krayze kanina kaya hindi tuloy ako makatulog ngayon. Kapag ganitong wala sina mommy at daddy, magkahiwalay kami ng kwarto ni Ry.
My parents are too busy kaya minsan lang din sila nandito, minsan nga ay isang taon silang wala. Pero, okay lang kasi nandiyan naman si Ry, e.
Asar akong napabangon sa kama. It's already 4:30 am. May pasok pa ako mamayang 8:30.
Kumunot ang noo ko nang marinig ang pagbukas ng pinto ni Ry. Mabilis akong tumayo para makita kung ano ang gagawin niya.
"Magluluto ba siya? Ang aga naman? O baka nagugutom siya?" Bulong ko sa sarili ko.
Pero, natigilan ako nang marinig ang pagbukas ng gate. Mabilis akong sumilip sa bintana nang marinig ang pag-andar ng kotse niya.
"Saan naman siya pupunta ng ganitong oras?"
Alam ko ay 8:30 ang pasok niya, wala kaming schedule na 6:00 am or 7:00 am. Bumuntong-hininga nalang ako at muling bumalik sa kama ko.
He's my husband for 3 years now but, he never treat me the way I wanted to be treated. Lagi siyang may galit sa akin and I can't blame him for that. Kasalanan ko kung bakit siya naging malamig sa akin. Everything is my fault.
Now I wonder, ano kaya ang meron siya kung sakaling hindi kami maagang kinasal? Matutupad niya kaya ang pangarap niyang mag-aral abroad? Susundan niya ba ro'n si Rexha?
Mariin akong napapikit nang maalala ang mga bagay na pinagkait ko sa kaniya. Of course, Leyn, you deserve what you tolerate.
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ulit. Nagising nalang ako dahil sa tunog ng cellphone ko. It was Katharine.
"Hoy! Alam mo ba kung anong oras na?!" Iyan agad ang bungad niya sa akin.
"Ang sweet mo naman, Kat, wala bang good morning --"
"Leandra Leyn T. Santiago, nag long quiz kanina kay Prof. Ry, 100 items. Gusto mo bang bumagsak sa asawa mo?" Nanlaki ang mata ko. Mabilis kong tiningnan ang orasan na nasa side table.
"10:00? Hala?! Late na ako sa morning subject natin?" Naiiyak kong tanong. Mabilis akong tumayo sa kama pero, ramdam ko ang pananakit ng ulo ko. May maliit na lagnat ako pero, kaya ko pa naman. Ayaw kong bumagsak at napaka-sungit pa naman ni Mr. Domingo. Our afternoon Prof.
Hinihingal ako habang papasok ng university. Bakit kasi ngayon pa ako na huli sa klase? Baka isipin ni Ry na masyado akong pabaya sa klase!
11:45 am.
"Hindi na ako aabot sa last subject namin this morning."
Napabuntong-hininga akong naupo sa tabi ng field. May mga soccer player do'n kaya pinanood ko nalang muna sila habang wala pa ang afternoon class namin. Wala rin naman akong ganang kumain ngayon.
"Cutting classes again, Ms. Torres?" Kunot noo kong sinulyapan si Krayze. Oo, kahit hindi ko iyan tingnan alam kong sakaniya galing ang boses na iyon. May pagka-husky kasi iyong pananalita niya. I mean, parang may pagka- British accent lagi kahit pa tagalog, e.
"I'm not. Late lang." Nakanguso kong sagot at muling tumingin sa mga players. Ang saya nila tingnan, masaya sa kung ano ang ginagawa nila.
"Why? Did you fight last night?" Halata ang pag-aalala sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Professor Ry Is My Husband - (This Love Series - 1)
RomanceThey say love comes when you least expect it and that you find it from the most unexpected places. This is certainly true in the case of Ryven Rhys Santiago and Leandra Leyn Torres. A love story between Professor and a Student who secretly got marr...