Malungkot kong pinagmasdan si Ryven. Ilang oras na ang nakalipas, panay tapon pa rin siya ng mga papel. Minsan ay sinasabunutan ang sarili niyang buhok. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ni hindi ko alam kung ano ang gumugulo sa utak niya, apektado ba siya sa panloloko ni Rexha? Ipapakulong niya ba ang papa niya? Kasi bali-baliktarin man natin ng lahat, abugado pa rin siya. Dapat niyang gawin kung ano ang mas tama.
Pinahid ko ang luha sa pisngi ko. Hindi ako puwedeng maging mahina. Ngayon niya ako kailangan, ngayon ko kailangan maging matatag para sa aming dalawa.
Tumayo ako at lumapit rito. Hinawakan ko ang balikat niya para ipaalam na nasa tabi niya ako. "I-i'm always here." Mabagal siyang tumingala sa akin. Namumula ang mata nito at magulo ang buhok niya. Marahan kong hinawakan ang mukha niya.
"It's already 2:30 am, love, hindi ka pa ba matutulog?" Hinawakan niya ang kamay ko at umiling sa akin.
"I can't sleep. Pahinga kana." Malambing niyang sabi. Nahihirapan din akong makita siyang ganito. "Go back to sleep, hmm? I can handle this." Kusang lumabas ang luha sa mata ko. Ang daya lang ng tadhana para sa kaniya. Alam kong minahal niya si Rexha, tinanggap niya ang nakaraan nito, pinakilala sa pamilya niya at umabot ng walong-taon ang relasyon nila.
"Kahit mahiga ka nalang sa kama. Please?" Pakiusap ko. Ilang oras na rin siyang nakaupo. Ni hindi man lang niya ginalaw iyong pagkain at kapeng dinala ko kanina.
"O-okay." Tipid siyang tumango at hinawakan ang kamay ko. Inayos niya muna ang kumot ko bago tuluyang tumabi sa akin. Walang nagsasalita sa amin, nakatitig lang sa kisame.
Bakit ganito?
Kailangan ba talagang umabot sa ganito para lang tuluyan kaming makalaya sa nakaraan?
Mas tanggap ko pa kung si Kieffer lang, kung babalikan niya kami para maghigante, mas matatanggap ko pa iyon. Pero iyong kay papa, ang hirap lang paniwalaan.
"I admire him for being a good father to us, Leandra." Panimula ni Ryven. Hindi ako nagsalita, gusto ko lang na pakinggan siya.
"Pangarap kong maging katulad niya."nahihirapan niyang sabi. Halatang umiiyak na siya dahil sa mahina niyang paghikbi. Mas masakit pala makitang umiyak ang taong mahal mo, lalo na kapag lalaki kasi hindi naman siya emosyonal, habang kaya nilang pigilan, gagawin nila.
Pero sa sitwasyon ni Ryven, alam kong hindi na niya kayang maging matatag.
Humarap ako rito at sinandal ang ulo niya sa dibdib ko. "Umiyak kalang, Ry, nandito lang naman ako." Mas lalo niyang siniksik ang mukha niya sa dibdib ko. Gumalaw ang balikat niya, mukhang kanina niya pa gustong ilabas lahat ng sama ng loob niya.
"I don't know what to do... trabaho ko iyon pero, ibang usapan pala kapag pamilya mo ang kalaban." Nahihirapan niyang sabi. Hinaplos ko ang likod niya, ayaw kong magsalita, baka iba lang ang masabi ko.
Kailangan kong maging maingat, lalo na tatay niya pa rin ang pinag-uusapan namin.
"Ry..." Pagtawag ko rito. Maingat kong sinilip ang mukha niya. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang nakatulog 'to. Mabuti nalang dahil halos wala siyang maayos na pahinga.
****
KINABUKASAN ay wala na naman sa tabi ko si Ryven, maingat akong tumayo at inayos muna ang sarili ko bago magdesisyong lumabas.
"Killian is the prosecutor." Natigilan ako nang marinig ang boses ni Krayze. Mukhang maaga siyang pumunta rito.
"How about dad?" Tanong ni Ryven. Bumuntong-hininga ako at nagpatuloy nalang sa pagbaba ng hagdan. Tumigil sila saglit nang mapansin nila ako.
"Tuloy niyo lang, maghahanda ako ng pagkain." Paalam ko, mukhang ayaw naman kasi nilang iparinig sa akin.
"Ikaw ang gusto niyang humawak sa kaso." Natigilan ako sa sinabi ni Krayze. Parang tumaas ang dugo ko.
"I can't. Hindi ko siya kayang ilaban sa korte." Pumikit si Ryven at sumandal sa likod ng upuan, "I already talk to him." Pansin ko ang lungoot sa boses niya.
"I understand, Ryven. But, try to think about it. Papa pa rin natin siya." Kumuyom ang pareho kong kamay.
"Nakagawa siya ng kasalanan, Krayze. Kung totoo ang lahat ng akusasyon sa kaniya. Wala na tayong magagawa ro'n. Tatay niyo nga siya pero, paano naman ang kasalanan na gusto niyang takasan?" Sabat ko sa usapan nila. Halatang nagulat si Krayze sa sinabi ko.
"Ang dami na niyang kasalanan sa inyo. Iyong pagpapahirap sa atin 3 years ago, iyong kay Rexha at ang huli....iyong panloloko nila kay Ryven. I don't think he deserve your kindness. Wala kayong ginawa kung hindi patunayan ang sarili niyo, dang maging mabuting anak sa kaniya, pero anong nangyari? Hindi ba at inagawan niya rin si Ryven?" Mahaba kong sabi. Halatang nagulat sila.
"Everyone shall be presumed innocent until proved guilty before the Court in accordance with the applicable law." Paliwanag ni Krayze.
"Alam ko iyon. Wala pang magpapatunay na ginawa niya iyon pero, paano kung ginawa nga niya? What if he abused her? Paano kung totoo lahat ng sinabi ni Rexha? Kung sa 'yo okay lang, kay Ryven, hindi. Palihim niyang binabastos ang babaeng minahal ng anak niya. Sinong matinong ama ang gagawa no'n, Krayze?" Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko.
"8 years....sa walong taon na iyon, alamo ba kung ano ang gumugulo sa isip ni Rexha? It's not that I'm tolerating her, cheating is cheating. No explanation or valid reason for that but, Rexha's case is different. Natakot siya na mawala sa kaniya si Ryven. Babae rin ako, aminado akong nagkamali ako. Araw-araw akong binabangungot ng nakaraan na iyon, I blame myself kasi....akala ko ako ang nagturo kay Rexha. Akala ko pinahamak ko siya." Mahaba kong sabi. Naglandas ang luha sa mga mata ko.
"Nasasaktan din ako kasi....I let my man suffer because of me, Krayze. Hinayaan kong paikutin kami ni Papa sa mga kamay niya. Nagawa niyang isisi sa mga Salvacion ang mga kasalanan niya, nakuha niyang magalit sina daddy, na naging dahilan para pakasalan ako ni Ryven." Sinulyapan ko si Ryven.
"At kung totoo lahat ng sinabi ni Rexha. Tingin ko naman ay kulang pa ang kulungan para pagbayaran niya lahat." Saad ko at tuluyang umalis sa harapan nila.
Mabuti nalang talaga at may laman pa iyong refrigerator namin. Naghanda lang ako ng sabaw at pretong isda. Mukhang umuwe na rin si Krayze dahil nang lumabas ako ay tanging si Ryven nalang ang nandoo.
"Kumain kana." Saad ko kay Ryven.
"I'm doing the right thing, right?" Bigla niyang tanong. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.
"You're doing the right thing, love. Katulad ng iba, puwede mo rin pag-isipan kung ano ang kasong hahawakan mo. Kung hindi mo talaga kaya, don't. Hindi mo kailangan ipilit. It's not even your fault kung makulong siya." Paalala ko sa kaniya. Alam kong walang kuwenta ang batas natin minsan pero, naniniwala ako kay Rexha at sa prosecutor nito.
"Thank you for being there, wife." Tumango lang ako rito. Alam kong hindi naging maganda ang takbo ng relasyon namin nitong nakaraan pero, ayaw kong isipin iyon.
Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw niyang ipaalam sa akin ang lahat.
"I have important things to do." Panimula ni Ryven. Marahan lang akong tumango. Baka pag-aaralan niya kung ano ang mga possible na itatanong sa papa niya.
"Okay. Just take care, hmm?" Tumango lang ako rito. "Balik ka rin."
"I will." Mga salitang pinanghawakan ko bago mangyari ang aksidente.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Professor Ry Is My Husband - (This Love Series - 1)
RomanceThey say love comes when you least expect it and that you find it from the most unexpected places. This is certainly true in the case of Ryven Rhys Santiago and Leandra Leyn Torres. A love story between Professor and a Student who secretly got marr...