People think a soul mate is your perfect fit, and that's what everyone wants. But a true soul mate is a mirror, the person who shows you everything that is holding you back, the person who brings you to your own attention so you can change your life.
"I told you I don't have a crush on him!" Parang bata akong nakasunod kay Ry, "G-gusto ko lang siya makausap about his case." Tuluyan akong napayuko habang sinasabi iyon sa kaniya. "Iyon lang talaga. Pero, kung ayaw mong magpunta sa kasal ni Gab, hindi kita pipilitin." Malambing kong sabi. Pinagtaasan lang niya ako ng kilay.
"Pupunta ako, Leandra, sayang naman kung hindi mo makikita si Killian." Nang-aasar niyang sagot. Tuluyan akong napanguso habang nakahawak pa rin sa braso niya. "He's married. And you're married to me, wala naman akong dapat ipag-alala." Mahina niyang pinitik ang noo ko.
"But for now, go to your room and review." Ngumiti muna siya sa akin bago humalik sa noo ko, "I'll talk to them." Dagdag niya pa. Tumango nalang ako, oo nga pala hindi pa nakakaalis sina Krayze at Gab.
Hindi ko talaga alam kung bakit gano'n mag-usap ang dalawa. Mukhang sanay na sanay rin kasi sa kanila si Ry, parang sinasabi niya na hayaan nalang kasi mag-aayos din sila.
"Bakit ba ang hirap ng Accounting Course? Dumagdag pa itong Law." Nakanguso kong bulong. Ibang-iba talaga iyong college life, e. No'ng High School naman ako, hindi naman ako masipag mag-aral pero sa college, kailangan may laman ang utak mo, kailangan mong magbasa at intindihin ang topic kung ayaw mong mapahiya.
May ibang professor pa na iko-kompara iyong pag-aaral nila sa kung paano tayo mag-aral ngayon. Mabuti nalang talaga at mabait sa amin si Professor Ry, I mean, madaming nagsasabi na mahigpit talaga siya. Lalo na sa oral recitation.
"Kung sa bagay, every meeting kailangan namin magkabisa at umintindi ng 30 section sa law subject namin sa kaniya." Muli kong bulong sa sarili ko. Oo, nakalimutan kong ireklamo iyon sa kaniya. Ang hirap kaya magkabisa ng articles!
"Are you okay?" Gulat kong sinulyapan si Ryven, nakangiting papalapit sa akin. Ang guwapo talaga ng asawa kong 'to.
"Tapos na ba kayo mag-usap nina Krayze?" Sinara ko muna ang librong binabasa ko bago sumulyap sa kaniya.
Tumango siya, "Yes. Nakauwe na sila ni Gab," Marahan niyang hinaplos ang buhok ko, "Did you read the announcement?" Muli niyang tanong. Kumunot ang noo ko.
"Anong announcement? Tungkol saan?" Nagtataka kong tanong. Mahina siyang tumawa, hindi naman kasi ako mahilig mag-open ng social media ko. Minsan ay kay Katharine ko lang nalalaman ang mga ganap sa university.
"Lolo's decided to investigate the incident, 2 weeks suspended." Kumunot ang noo ko, "Bakit ang tagal naman? 2 weeks ba talaga?" Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Ano naman gagawin natin dito sa bahay? 2 weeks din iyon." Nakanguso kong sabi, gusto ko sana mamasyal kasama sina Katharine and Dani but, I know they're busy. Kapag ganitong walang pasok, mas gusto niyang kasama ang anak niya.
Kung sa bagay, mas gusto ko rin naman kasama iyong mahal ko sa buhay. "Where do you want to go then?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang tanungin niya ako.
"Hindi ko rin alam. Saan ba magandang pumunta? Iyong malapit lang dito." Pinagtaasan niya ako ng kilay. "How about Baguio?" Tanong niya.
Napangiti ako, "7 hours ang byahe do'n, hindi ba? Isa pa, hindi ka ba busy?" Nagtataka kong tanong. Natigilan ako nang marahan siyang yumuko para pantayan ang titig ko.
BINABASA MO ANG
Professor Ry Is My Husband - (This Love Series - 1)
RomanceThey say love comes when you least expect it and that you find it from the most unexpected places. This is certainly true in the case of Ryven Rhys Santiago and Leandra Leyn Torres. A love story between Professor and a Student who secretly got marr...