Mabilis akong nagtungo sa Laurent Hospital kung saan nagta-trabaho si Kuya Adrian, halos hindi ako mapakali, tanging si Ryven lang ang nasa isip ko. Paano kung napuruhan siya?
"Mr. Santiago po? Nasaan po siya?" Agad kong tanong sa nurse na nakasalubong ko.
"Leandra!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. "Kuya, where's my husband?" Kunot ang noo niya, halatang naguguluhan.
"He's in room 203--"
Hindi ko n hinintay ang sunod niyang sasabihin, mabilis akong tumalikod at nagtungo sa kuwartong sinabi.
"Ry!" Tawag ko sa pangalan niya nang mabuksan ko ang pintuan. Kumunot ang noo ko nang madatnan ko si Krayze. Bakas ang gulat sa mukha niya habang nakahiga sa kama.
"K-krayze?" Salubong ang kilay kong napatingin sa gawi ni Ryven, nagtataka siyang nakatitig sa akin habang nakasandal sa pader katabi ng kama ni Krayze.
"Ryven..." Pagtawag ko rito, halata ang pag-alala sa mukha niya nang makitang umiiyak na ako. Hindi ko alam kung bakit ang emosyonal ko pagdating sa kaniya.
"What's wrong? May masakit ba sa 'yo?" Tumayo siya ng maayos at lumapit sa akin. Mabilis ko siyang niyakap nang tuluyan na akong makalapit.
"A-akala ko...ikaw ang tinutukoy nila kanina. I'm so fvcking worried, Ryven, halos hindi ko alam kung ano ang gagawin ko." Umiiyak ko ng sabi, "Thanks God, you're safe, Ryven." Marahan akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kaniya.
Nakangiti niyang pinahid ang luha sa pisngi ko, masyadong malalim ang titig nito, "I'm here now, I'm safe, My wife." Napapikit ako nang maramdaman ang mabilis niyang paghalik sa labi ko. Mabilis lang iyon dahil biglang umubo si Krayze.
"Hindi pa ako move-on, Mrs. Santiago, Sa bahay niyo na iyan ituloy." Natatawa niyang sabi bago mahiga sa kama.
"I-I'm sorry....ayos kalang ba?" Nag-alala kong tanong. Sabay kaming lumapit sa kaniya.
"Set here." Hinila ni Ryven ang isang upuan, tahimik akong naupo ro'n. "He's fine. Si Rexha, hindi pa nagigising." Dagdag ni Ryven, nakatayo siya sa tabi ko habang ang isang kamay a nakapatong sa kabila kong balikat, naka-akbay sa akin.
"What happened?"Tanong ko kay Krayze, tumingin muna ito kay Ryven, para bang tinatanong kung okay lang sabihin sa akin ang nangyari.
"Nag-usap kami ni Rexha, sa may likod ng university." Panimula ni Krayze, "Sa may garden." Nanlaki ng mata ko.
"Kagagaling lang namin do'n." Mabilis kong sagot. Naguguluhan kong sinulyapan si Ryven.
"Exactly. You are their target, Leandra." Malalim na bumuntong hininga si Krayze at sinandal ang likod nito sa kama.
"Alam ni Rexha iyon kaya sinabayan ka niyang bumalik sa canteen." Dagdag niya pa. Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mata ko.
"Pero....paano sila nakapasok sa university?" Imposibleng makapasok sila ng gano'n lang. We are not allowed to go out lalo na kung may mga pasok ang ibang estudyante. Bawal ang cutting classes kaya sobrang higpit sa university.
"That's the--"
Pare-pareho kaming napasulyap sa pinto nang dumating si Kuya Adrian, "Gising na siya." Mabilis akong tumayo at lumapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Professor Ry Is My Husband - (This Love Series - 1)
RomanceThey say love comes when you least expect it and that you find it from the most unexpected places. This is certainly true in the case of Ryven Rhys Santiago and Leandra Leyn Torres. A love story between Professor and a Student who secretly got marr...