Hindi ko sinabi sa magulang ko ang nangyari sa amin ni Ryven. Ayaw ko rin dumagdag sa problema nila, hindi pa kasi tapos ang issue kay Papa. Alam kong iyon din ang dahilan kung bakit masyadonh abala si Ryven. But, I want him to trust me, lagi nalang niyang iniisip na hindi ko kaya.I know his worried about me! Buntis ako at ayaw niyang may mangyari sa amin ng anak namin. Humawak ako sa side table nang makarinig ng door bell. Wala kasi sina mommy at nagkataon naman na ako lang iyong nandito.
Mabigat na rin kasi ang dinadala ko kaya medyo bumagal ang kilos ko. Nahihirapan man ay nagtungo pa rin ako sa pintuan. Unti-unting kumunot ang noo ko.
"Krayze?" Ang tagal na rin simula ng makita ko siya. Siguro ay naging abala siya sa band.
"Come with me," Hinawakan niya ang braso ko at agad ko namang iyong inalis.
"Saan?" Naguguluhan kong tanong. Malalim siyang huminga at muling hunarap sa akin.
"Nagpunta si Ryven kay Rexha." Nanlamig ang kamay ko. Nanatili akong nakatitig rito.
"Wala na akong pakialam kung sino ang kasama---"
"Leandra, listen....If you really want to help my brother, please...come with me. Malalaman mo lahat." Nahihirapan niyang sabi. Nagdadalawang isip man ay nakuha ko rin tumango sa kaniya.
"Sandali lang. Hinay-hinay lang kasi malaki na ang tiyan ko. Huwag mo 'kong hilain---Krayze, ano ba?!" Sigaw ko nang mabilis niya akong buhatin at maingat na pinasok sa kotse niya. "Ano bang meron at nagmamadali ka? Gusto mo bang mapanood ko ang gagawin nila para magising na ako sa katangahan ko?" Hindi kumibo si Krayze. Seryoso lang siyang nagmamaneho.
Kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko. I couldn't think properly! Kahit ano naman ang itanong ko kay Krayze, hindi naman siya sumasagot.
Mabuti nalang at mabilis ang byahe namin. Napansin ko agad ang kotse ni Ryven. Nakabukas rin ang gate ni Rexha kaya pumasok nalang din kami ni Krayze.
"Krayze, sandali." Humawak ako sa braso ni Krayze, pakiramdam ko ay nanghihina ang katawan ko. Nanlalamig ang katawan ko pero, sobra naman iyong pawis ko sa noo.
"It's okay. Hinga kalang ng malalim, okay? Hindi kita sinuko para lang mapunta sa wala, okay? My brother loves you and he will never cheat on you." Tumango ako sumabay na sa kaniyang maglakad. Pareho kaming napatigil sa pinto nang makita namin kung paano basagin ni Ryven ang mga gamit sa loob.
Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. He's intimidating, seryoso siya pero kahit gano'n ay lagi pa rin siyang kalmado. Iyong makita siyang ganito, hindi ko alam kung bakit at ano ang nagawa ni Rexha.
"You fvcking manipulate me! You let my wife blame herself! Dahil sa 'yo muntik na siyang mapahamak!" Galit na sigaw ni Ryven. Gusto ko siyang lapitan pero hinawakan ni Krayze ang braso ko at umiling sa akin.
"Ano pa ang kasinungalingan na sinabi mo? Tell me! Sabihin mo sa akin kung sino-sino pa ang lalaki mo habang tayo pa?!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Did she cheated on him?
"Ryven, I'm sorry..." Umiiyak na sabi ni Rexha. Nakatakip siya sa bibig niya. Halatang hindi alam ang gagawin.
"When that incident happened...." hindi matuloy ni Ryven ang sasabihin niya. Alam kong nahihirapan siya sa kung anuman ang mga nalaman niya.
BINABASA MO ANG
Professor Ry Is My Husband - (This Love Series - 1)
RomanceThey say love comes when you least expect it and that you find it from the most unexpected places. This is certainly true in the case of Ryven Rhys Santiago and Leandra Leyn Torres. A love story between Professor and a Student who secretly got marr...