Ilang oras na ang nakalipas pagkatapos pag-uusap namin ni Mommy, pero hindi pa rin maalis aa isip ko ang mga sinabi niya.
I know my parents, I'm sure that they secretly investigate something. Siguro naging kampante sila no'n dahil sa mag-asawa nga kami ni Ryven. Pero dahil involve na ang company namin, I guess kailangan din nilang kumilos.
Marahan kong hinaplos ang tiyan ko. Medyo malaki na ito. Habang tumatagal ay mas nagiging mahirap ang pagbubuntis ko. But, mom's right, kunv talagang mahal ko si Ryven, kailangan kong alagaan ang sarili ko.
"Kumain kana." Sabi ni Mommy. Tumango ako at sumunod sa kaniya. Gustuhin ko man kausapin siya tungkol sa mga sinabi niya kanina, mukhang ayaw na niyang pag-usapan iyon.
Naabutan ko si Daddy na seryosong nakaupo habang ang parehong kamay ay nakapatong sa mesa. Mukhang may malalim na iniisip.
"How are you, Leandra?" Tanong niya nang maupo na ako. Pilit lang ang binigay kong ngiti rito.
"Ayos lang po." Tipid kong sagot. Bumuntong-hininga muna siya at seryosong tumingin sa mata ko.
"Did he cheat on you?" Kalmado niyang tanong. Kilala ko si Daddy, may pagka-strict siya pero, hindi padalos-dalos magdesisyon. Laging pinag-iisipan dahil ayaw na niyang maulit ang nangyari kay Kuya at Ate Vy.
Mabagal akong umiling, "No, Dad." He sighed.
"But, what about that video, hon?" Tanong naman ni Mommy. May bahid na galit pa rin sa boses niya.
"I already talk to our son-in-law, Lilly. Sa loob ng tatlong taon, naging mabuti siyang asawa sa anak natin-"
"But, he's still seeing that woman!" Galit na sabi ni mommy.
"Mommy, alam ko na ang tungkol sa kanila ni Rexha. Matagal ng tapos iyon." Putol sa sasabihin ni mommy. Hindi siya nagsalita, "Alam kong nagkamali si Ryven, alam kong pinilit lang siya na magpakasal sa akin pero, believe it or not, he's trying. Hindi niya ako pinapabayaan. Hindi naman ako mabubuntis kung wala kaming nararamdaman sa isa't isa." Mahaba kong sabi. Muling tumikhim si Daddy.
"We are trying to fix everything, Leandra. But, for now I want you to take care of yourself, anak. Hindi makabubuti sa pinagbubuntis mo ang walang maayos na tulog at kain." Ngumiti siya sa akin bago magsimulang kumain. Sinulyapan ko si Mommy na kasalukuyang nakatitig sa akin.
"I'm sorry but, hindi ko pa rin tanggap ang mga sinabi ni Marcela. Hanggang hindi siya humihingi ng tawad sa 'yo, hindi mo makakausap si Ryven." Hindi nalang ako sumagot at hinayaan siya. Hindi ko naman siya masisisi, nanay ko siya kaya gano'n ang nararamdaman niya.
Tahimik lang din akong kumain at nang matapos ay nagdesisyon akong manood nalang ng balita. Unti-unting kumunot ang noo ko.
"Huling tanong nalang po, Sir, gaano po katotoo ang akusasyon sa inyo? Totoo po bang may kinalaman kayo sa nangyari kay Rexha Perez 3 years ago?" Nanlamig ang kamay ko habang pinapanood ang interview ni Papa.
"I don't know about that incident. Kasama rin sa biktima ang anak kong si Krayze, Ryven at ang asawa nitong si Leandra Torres." Deretso niyamg sagot. Hindi ko alam kung bakit siya nasali do'n.
Gano'n ba talaga kalakas ang pamilya ni Kieffer? Puwede nilang baliktarin ang kuwento at kontrolin ang mga tao na gusto nila?
"Isang tanong nalang po, Sir, totoo po ba na ilan sa shareholders ng Laurent University and Laurent Hospital ay umaalis dahil sa mga Torres." Tinignan ko si Mommy nang bigla niyang ilipat ang channel.
"Mom, what was that?" Nagtataka kong tanong. Hindi siya sumagot at tahimik na nanood. "Mommy..."
"Labas na tayo sa issue nila." Mariin akong pumikit. Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa niya.
"Mom, Ryven Rhys is my husband. Bali-baliktarin mo man ang lahat, kasama na ako sa issue nila dahil parte na ako ng pamilya nila." Mariin kong sabi. Hindi kumibo si Mommy, nanatiling nanonood ng food channel.
"And Ryven is part of our family too." Nanghihina kong sabi. Muli kong hinawakan ang kamay niya. "Kahit para nalang sa anak ko, Mommy, kailangan tayo ng pamilya niya." Marahan niyang inalis ang pagkakahawak ko sa kaniya.
"Gagawin ko lang iyon kapag humingi ng tawad si Marcela. Kung ayaw niya, hindi kita ipipilit sa pamilyang iyon. File an annulment papers. Tapos ang usapan." Natigilan ako sa sinabi niya,
"You don't know them, Leandra, nagsisisi ako na hinayaan kitang maging parte ng pamilya nila." Dagdag niya bago tuluyang umalis at bumalik sa kuwarto.
Mariin akong napapikit nang maramdaman ang pananakit ng tiyan ko. "Mommy!" Malakas kong sigaw. "Mommy, please help me!" Muli kong tawag sa kaniya. Mabilis na tumakbo si Daddy at tumingin sa akin.
"What's wrong?" Nag-aalala niyang tanong. Nanlaki ang mata niya nang mapansin ang maliit na dugo sa suot kong palda.
"Lily, dalian mo riyan!" Tarantang sigaw ni Daddy. Agad na lumabas si Mommy at lumapit sa amin.
"Oh My God! No! It's my fault." Halos wala akong maintindihan sa mga nangyari. Nanghina ang buo kong katawan, ni hindi ko naramdaman ang pagbuhat sa akin ni Daddy. "Tawagan mo si Ryven." Huli kong narinig bago tulog.
***
Marahan kong dinilat ang mata ko nang maramdaman ang marahan na paghaplos sa pisngi ko. Hindi ko man iyon nakita agad, sigurado akong si Professor Ry ang may-ari nun.
"I told you take care of yourself." Agad niyang sabi nang makitang gising ako.
Hinawakan ko ang kamay, naluluhang tumingin sa mga mata niya, "I'm sorry, Ryven....hindi ko lang alam ang gagawin ko." Rinig ko ang malalim nitong paghinga.
"It's okay. As long as you're both safe-"
Umupo ako at, "What happened to our baby? Ligtas ba siya?" Gano'n nalang kabilis ang pagpatak ng luha sa mata ko nang mapansin na malaki pa naman ang tiyan ko. "Oh God!" Umiiyak kong sabi. Hinawakan ni Ryven ang ulo ko at sinandal iyon sa dibdib niya.
"It's okay. It's not your fault, okay? You're both safe and that's what important." Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Si Mommy iyon at si Daddy. Kasama nila si Papa Lorenzo at Mama Marcela.
Humigpit ang pagkakayakap ko kay Ryven.
"Leandra," Naluluhang tawag ni Mama sa pangalan ko. Lumapit siya at nagtungo sa kaliwang side ng kama. Pinanood lang kami ni Mommy at ang kasama namin sa kuwarto.
"I'm so sorry, anak for hurting you. Hindi ko dapat sinabi iyon." Panimula niya. Nananatiling nakayakap sa akin si Ryven, pansin ko ang pananahimik niya.
"Alam kong kasalanan ng anak ko, hindi ko lang makitang sinasaktan siya sa harapan ko." Ngumiti ako rito at tumango. Naiintindihan ko naman siya.
"Hindi dapat kami manghimasok sa buhay niyong mag-asawa. Dapat ay gagabayan lang namin kayo sa mga desisyon niyo sa buhay. Pero, wala kaming karapatan na pangunahan amg nararamdaman niyo. I regret saying those words, Leandra, believe it or not, you're very important to us. Parang anak na rin kita. I'm so sorry, Leandra." Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti rito. Muli kong sinulyapan si Mommy na tahimik lang na pinapanood ang pag-uusap namin.
I don't understand. Masaya dapat ako pero bakit parang may mali? Bakit pakiramdam ko ay may kulang?
Ramdam ko ang paghalik ni Ryven sa ibabaw ng buhok ko. "It's okay, Wife. I'll tell you everything after this." Hindi ko man nakuha agad ang ibig niyang sabihin, alam kong may kinalaman 'to sa nangyari sa amin 3 years ago.
To be continued....
BINABASA MO ANG
Professor Ry Is My Husband - (This Love Series - 1)
RomansaThey say love comes when you least expect it and that you find it from the most unexpected places. This is certainly true in the case of Ryven Rhys Santiago and Leandra Leyn Torres. A love story between Professor and a Student who secretly got marr...