Chapter 7

2.2K 61 15
                                    


"Bakit ngayon kalang pumasok?" Tanong ko kay Katharine nang magkita kami.

"May sakit si nanay Rosa." Malungkot niyang sabi. Si nanay Rosa ang nag-aalaga sa kaniya simula pa no'n. Madalas niya sa akin ikuwento iyong mga bonding nilang dalawa, para bang nanay niya na ito.

"Kamusta na siya?" Napalapit na rin talaga ako kay nanay Rosa, mabait naman kasi siya, sobra kong mag-alaga kay Katharine. "S-sabi mo...nanay siya ng ex mo? Hindi ba siya dumadalaw?" Marahan namang tumango si Katharine.

"Hindi niya ba dinadalaw ang nanay niya?" Nagtataka kong tanong. "It's been 8 years. Wala ka ba talagang balita sa kaniya?" Bigla akong nalungkot para kay Katharine. Alam ko ay minahal niya talaga iyong si Haze pero mahirap nga talaga kapag ikaw lang iyong nagmanahal sa inyong dalawa.

Madami pa kaming napag-usapan ni Katharine, "I told you, he hates me. Sa akin niya sinisi ang lahat. Bigla nalang siyang walang paramdan after he broke up with me." Gusto ko pa sanang magtanong pero, mas pinili kong manahimik nalang.

"Ikaw? Musta na kayo ni Ryven?" Tanong niya habang palabas kami ng classroom. "Goods na ba?" Marahan akong tumango. Ilang araw na rin ang nakalipas, wala naman akong napapansin na kakaiba.

"Okay naman kami." Simple kong sagot. Unti-unti naming inaayos ang relasyon namin, madalas din kaming mag-usap tungkol sa mga bagay na ayaw at gusto namin.

"Lendra..." Pareho kaming natigilan ni Katharine nang bigla kaming harangin ni Rexha. Grabe! Ang ganda-ganda pala talaga niya sa malapitan. "Can we talk?" Mahinahon niyang tanong. Sinulyapan niya si Katharine na kasalukuyang nakataas ang kilay rito. Nakalimutan kong masyadong protective ang isang 'to sa akin.

"Okay lang." Nakangiti kong hinawakan ang braso ni Katharine. "Kita nalang tayo sa canteen." Sabi ko sa kaniya. Marahan naman siyang tumango bago tumingin kay Rexha."Walang sugat iyan, ha? Ibalik mo po iyan ng maayos at walang sugat." Marahan namang tumango si Rexha. Ang hinhin din niya, isa talaga siya sa mga ideal girl ni Ryven, Mabait, mukhang matalino at napaka-hinhin niya pa talaga.

Tahimik akong sumunod sa kaniya, nagtungo kami sa secret garden ng university, madalas ko silang makita dito ni Ryven, dito rin kasi sila nag-college na dalawa. Nasa HS pa ako no'ng, e.

"Pasensya niya wala akong alam na puwede tayong mag-usap. Hindi naman kita puweding ilabas, baka magalit si Ryven sa akin." Nakangiti niyang sabi. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko.

Ang lambing ng boses niya. May mahaba siyang buhok at medyo may pagkakulot ang dulo nito, Maputi siya at may pagka-chinita. Para siyang korean actress. Iyong kahit maapakan ka niya, ikaw pa magso-sorry kasi sobrang ganda at hinhin niya tingnan.

"Wala ka naman siguro pasok after lunch, hindi ba?" Muli niyang tanong. Tumango ako, "Mamaya pang 3 pm." Sagot ko naman.

"Pareho pala tayo." Sabi niya bago maupo sa bakanteng upuan. Tumabi ako rito. "I just want to say sorry." Maguguluhan akong tumingin dito. "Huli ko lang nalaman na kasal na si Ryven, umalis kasi ako ng bansa after w-we broke-up." Nakangiti niyang sabi. Tumingin siya sa kamay niya, parang mannerisms niyang laruin ang daliri niya pag kinakabahan.

"A-ayos lang. Hindi rin naman namin pinaalam." Wala naman siyang kasalanan, It's Ryven's fault.

"It's not his fault," Nakangiti niya pang sabi. Bumuntong-hininga ito, "Siguro hindi niya lang alam kung paano iyon sasabihin sa akin, Kakabalik ko lang this year, kinailangan kong manatili sa hospital para magpa-gamot." Paliwanag niya, para bang nabasa niya ang nasa isip ko.

Professor Ry Is My Husband  - (This Love Series - 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon