Atty. Ryven Rhys Santiago o mas kilalang Professor sa Laurent University, sinugod sa hospital matapos matambangan sa gitna ng traffic.Nanlalamig ang kamay ko. Hindi ako makahinga ng maayos. Lalo na nang wala akong matawagan sa pamilya ko. Ni walang sumasagot sa kanila.
Nahihirapan akong sumakay sa taxi na kinuha ko. I can't imagine my husband lifeless body. Paulit-ulit kong pinahid ang luha sa mga mata ko. Hindi ko mapapatawad ang may gawa nito. Gagawin ko ang lahat para lang makulong siya. Kung kailangan kong ubusin lahat ng yaman na meron kami, gagawin ko.
Mariin akong pumikit, "God, please...save my husband." Paulit-ulit ko iyon binulong. Desperada na kung desperada pero, buhay ni Ryven ang pinag-uusapan.
Hindi ako makapag-isip, napapamura dahil sa haba ng traffic. Muli kong kinuha ang phone na dala ko at tinawagan si Krayze.
"H-hello...where at Laurent Hospital, Leanda...still in emergency room."
Iyan lang ang sinabi ni Krayze, pero pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko. "Kuya, wala po ba kayong alam na mabilis na daan?" Umiiyak kong tanong sa driver.
Sinulyapan niya ako sa rearview mirror. "Traffic po talaga, Ma'am. Humigpit po kasi ang bantay dahil sa binaril na attorney. Kawawa nga po, e. Sabi nila ay madaming tumama sa kaniya kaya malabong mabuhay." Tuluyan kong natakpan ang bibig ko. Hindi ko man nakita ang lagay ni Ryven, alam kong pinahirapan siya ng taong may gawa nito.
Wala akong pakialam sa mga Salvacion na iyan. Kung may kasalanan man sila sa nangyari, hindi ko sila titigilan.
Napahagulgol ako habang nakahawak sa tiyak ko. Muli kong naalala ang mukha ni Ryven nang malaman niyang buntis ako. Nang magpa-check up ako at nang malaman niyang kambal ang anak namin.
Pumikit ako, pilit inaalis ang mga masasakit na bagay. Hindi niya ako iiwan. Sabi niya babalik siya. Sabi niya.....magiging ayos din ang lahat. Siya ang tatapos sa kaso.
Agad kong binigay ang bayad kay Kuyang driver, baka kanina ko pa tinakbo ang hospital kung hindi ako buntis. Sumingit ako sa mga reporters na halatang inaabangan din kung ano nga ba ang lagay ni Ryven.
"Krayze!" Tawsg ko sa kaniya. Mabilis siyang lumapit at tinulungan akong lumapit sa pamilya namin ni Ryven.
"How's my husband?" Tanong ko sa kanila. Agad na lumapit si mommy sa akin at marahan akong niyakap.
"Ilang oras pa ang operasyon sa kaniya." Nanghihina akong umiling rito. Natatakot ako sa puweding mangyari.
"He'll be fine, Leandra. Malakas ang anak ko." Sinulyapan ko si Mama. Doon ko lang napansin si Papa, nakatayo sa likod ng asawa niya.
"This is all your fault! Kung hindi dahil sa 'yo....hindi sana mangyayari 'to kay Ryven!" Sigaw ko. Pilit akong pina-pakalma ni mommy.
"You don't deserve your family! Wala kang puso! Sa oras na mapatunayan kong may kinalaman ka sa lahat ng 'to. Sa nangyari kay Ryven 4 years ago....I swear! Ako mismo ang magpapakulong sa 'yo!" Sigaw ko sa kaniya. Pumikit ako nang kumirot ang tiyan ko.
"Calm down, Anak! Hindi matutuwa si Ryven kung mapapahamak din ang anak niyo." Hindi ko makuhang sumagot. Nanghihina akong umupo sa tabi ni Daddy. Sinulyapan niya ako at hinawakan ang ulo ko para isandal sa balikat niya.
BINABASA MO ANG
Professor Ry Is My Husband - (This Love Series - 1)
RomanceThey say love comes when you least expect it and that you find it from the most unexpected places. This is certainly true in the case of Ryven Rhys Santiago and Leandra Leyn Torres. A love story between Professor and a Student who secretly got marr...