Today is a great day!
21st birthday of our twins. Medyo naninibago pa ako pero ilang buwan na rin kaming nandito sa France. And we're trying our best na masanay ang mga anak namin.
Especially Ailana and Skyler.
"How's my wife?" Biglang tanong ni Ry. Habang papalapit sa akin.
I know that it's not easy for him na iwanan niya muna ang pagiging Professsor niya pero dahil kailangan kami ng mga anak namin. Kailangan namin silang samahan sa kahit anong bagay na magpapasaya sa kanila.
"Mommy! Daddy! Tito Adrian is waiting for you outside. Kasama niya po si Kuya Hudson, Hunter." Hindi ko mapigilang hindi matawa habang nakikinig kay Skyleen Zy,
Napakadaldal niya talaga kapag alam niyang darating ang mga pinsan niya.
May branch na dito ang business nina mommy kaya madalas na rin bumisita si Kuya Adrian at ang asawa niya.
"Mom, Tito Hayes is already here. We're all waiting." Maarte namang sigaw ni Skyrein Snow. "I forgot. Kasama niya pala sina Heather and Kirby." Hindi ko akalain na mabubuo kaming lahat sa birthday ng kambal.
"Mommy! Tito Krayze and Daniella also. Of course my cousins." Ailana is excited as always. Sanay na sanay pag ganitong birthday niya.
"He's waiting for her." Hindi ko mapigilang hindi maging malungkot sa sinabi ni Ry.
We can't do anything about it.
"Mom?" Si Skyler na ngayon ang kumatok sa labas ng kwarto namin.
"Nad'yan na." Ganoon nalang kasaya ang araw na 'to para sa amin. Hindi ko lubos akalain na mabubuo kaming lahat.
Well. Except Rexha na hindi raw makakapunta. I get it. Hindi rin naman madali ang pinagdadaanan ng mga anak namin ngayon.
Trinity decided to end her relationship with my son. Ayaw naming makisali dahil suporta lang naman ang kaya naming ibigay sa kanila.
"Thank you for coming. Nasanay na iyong kambal na lagi kayong nand'yan." Emosyonal kong saad habang nakatingin sa pamilya namin.
"Mawawala ba naman ako sa kaarawan ng mga pamangkin ko?" Natawa ako nang sabay na sumagot si Krayze at Kuya Adrian, oo nga pala. Pareho silang tito ng mga anak ko.
"Ang dami ng nangyari simula ng ipagbuntis ko sila hanggang ngayon na malalaki na sila. Hindi ko pa rin maiwasang hindi maging emosyonal." Naramdaman ko ang biglang pag-akbay sa akin ni Ry habang sinasabi ko iyon.
"Lalo na ngayon na papasok sa modelling ang kambal. Ayaw ko man ay iyon ang gusto nilang pareho." Gusto kong magkaroon sila ng normal na buhay pero wala akong magagawa.
Entertainment and Fashion Industry ang business na pag-aari namin.
Si Skyler ay nagmana sa daddy niya na mahusay sa pagkanta. Hindi na ko magtataka kung isang araw, gumawa siya ng sarili niyang pangalan sa Music Industry.
Si Ailana naman ay magaling sa paggawa nang magagandang damit kaya alam kong siya ang aasahan namin sa Lily's Fashion Company.
Si Skyrein at Skyleen naman ay parehong mahilig sa acting, fashion and music kaya lagi silang pinapasama ni Ryven sa Sky Entertainment.
Pinangalan sa mga anak ko ang ilang business na iniwan ni Daddy at Mommy.
Hindi kagaya ni Kuya Adrian na walang hilig sa magulo at maingay na mundo ang mga anak niya.
"Mom, support us nalang okay? Hindi naman kami mawawala since sa company pa rin naman kami magt-trabaho right, Dad?" Lagi silang kapit sa Daddy nila. Alam kasi nilang hahayaan sila ni Ry, sa mga bagay na magpapasaya sa kanila.
"Yes. Sweetie." Malambing na sagot nito sa anak.
"Happy 21st birthday to the both of you." Kita ko ang saya sa mga mata nila pero hindi pa rin nakatakas sa mga mata ko ang pagkairita ni Skyler.
"Leave me alone. Will you?" Pare-pareho kaming napasulyap sa kanilang dalawa ni Heather na hindi magkasundo.
"Why would I? This is my country. My rule and you can't do anything about it." Mataray nitong sagot sa anak ko.
"I don't care about your stupid rule. You're annoying so, leave." Napabuntong hininga nalang ako sa naging sagot ni Skyler.
"Tita Leandra invited us. And FYI I'm not your servant to follow your command Mister Skyler Xavier Torres Santiago." Wala talagang pinagkaiba sa nanay niya.
Bigla kong namiss si Trinity, pero katulad ng sabi ko, wala akong magagawa sa desisyon nila. Mga bata pa naman sila. May mga panahon pa para maitama nila ang lahat.
"Manang-mana ka talaga sa mommy mo. Puro kaartehan ang alam." Saway ni Daniella.
"Mana naman sa 'yo ang mga anak mo. Bungangera." Nagtawanan nalang kami sa biglang sagot ni Augustine.
I couldn't ask for more. Hanggang ngayon ay buo pa rin kaming lahat. Nawalay man sa amin si Rexha, alam kong balang araw ay makakasama namin siya. Masaya para sa mga anak namin.
"I love you." Biglang bulong ni Ry sa akin.
Sa mga lumipas na panahon na magkasama kami. Halos wala na akong mahihiling pa. Walang araw na hindi niya pinaramdam na mahal niya ako.
At kung bibigyan man ulit ako ng pangalawang pagkakataon para mabuhay. Si Ryven pa rin ang pipiliin kong mahalin. Masakit man sa umpisa ang pagmamahalan namin, sa huli naman ay walang katumbas na kasiyahan.
We deserve this kind of happiness. Iyong totoo at walang iniisip na kahit ano. Business is not for us but, I believe that everything happens for a reason.
Kung darating man ang araw na hindi na muling magkaka-ayos si Trinity at Skyler, sana naman matutuhan nilang patawarin ang sarili nila. It's okay to move on but, forgive yourself for those things that hurts you.
Ryven Rhys is a good father. Walang araw na hindi niya pinapangaralan ang mga anak niya. That's the reason kung bakit sa murang edad palang, alam nila kung ano ang gusto nila sa buhay. We let them choose the path they want to take and remind na kasama nila kami habang tinatahak ang daan na iyon. Hindi sila nag-iisa.
"I love you so much, My Professor." Hindi rito nagtatapos ang kuwento naming pamilya pero, pipiliin naming mas maging matatag para sa mga anak naming dalawa.
------------
THE END
BINABASA MO ANG
Professor Ry Is My Husband - (This Love Series - 1)
RomanceThey say love comes when you least expect it and that you find it from the most unexpected places. This is certainly true in the case of Ryven Rhys Santiago and Leandra Leyn Torres. A love story between Professor and a Student who secretly got marr...