Chapter 15

1.6K 26 0
                                    

Tahimik kong pinagmamasdan si Ryven, masyado siyang abala sa ginagawa niya. Ilang araw na siyang ganyan, minsan ng ay nagrereklamo na ang ilan kong kaklase dahil bigla siyang natitigilan. Para bang may gumugulo sa isip niya. Gustuhin ko man magtanong, hindi ko rin magawa dahil alam kong wala siyang sasabihin sa akin.

Lalo na ngayong buntis ako.

"Professor.." Nakangiti kong tawag rito. Binaba niya ang hawak niyang papel at nakangiting tumingin sa akin. "What is it, wife?" Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumayo para lumapit rito.

"Can I set in your lap? Gusto kong mabasa rin ang binabasa mo." Nakanguso kong sabi. Marahan niyang inatras ang upuan at tinapik ang hita niya. Nakangiti akong umupo ro'n. "What my baby want this time?" Malambing niyang bulong.

Umiling ako, "Ang busy mo kasi lately. Nakakaselos na." Pagbibiro ko. Pero, totoong naging abala siya lalo. Simula nang sabihin kong buhay si Kieffer, wala siyang ginawa kung hindi mag investigate lagi.

"Really? Do you want me to stay home --"

"Ayaw! E 'di magugutom ang anak natin." Marahan kong sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Ang bango talaga niya lagi, parang ang fresh kahit galing siya sa labas or buong araw na nagta-trabaho.

"I don't think so, we have hospital and school, Leandra. I have my own firm." Mahina kong hinampas ang dibdib niya. "My wife's parents is the CEO of A&L entertainment and Lily's Fashion Industry." Mayabang niyang sagot.

"Hindi pa rin sa atin iyon!" Reklamo ko.

"I know. Kumikita naman ang firm ko." Nakangiti kong niyakap ang braso ko sa kaniya.

"Mahal kita pero kailangan pa rin natin magsumikap." Alam ko naman na nagbibiro lang ang asawa ko.

"May magiging anak na tayo. Kailangan natin ibigay ang bagay na gusto niya. Our child deserve more than the universe. It's our priority as a parents to make them happy. Hindi naman nila hiniling na isilang sila." Marahang hinalikan ni Ryven ang labi ko.

"Our child is lucky to have you as their mom." Napangiti ako. Masyado kong seneryoso ang biro ni Ryven. I mean, Yes, may sarili siyang firm, malaki rin ang sahod niya bilang professor. Kung tutuusin ay puwede pa siyang magpatayo ng panibagong negosyo. Gano'n si Ryven, kaya nga pumasok siya sa band before kasi gusto niyang kumita ng pera, ayaw niyang umasa sa pera ng magulang niya.

May pagka-mahigpit ang lolo ni Ryven, minsan nga ay natatakot rin ako do'n. Lagi niyang tinatanong kung kailan ko sila bibigyan ng apo o taga pagmana. Hindi pa naman siya ligwak sa mundo, nandiyan pa si Tito Rico and also Ryven Rhys. Bakit niya minamadali?

"May naisip kana bang pangalan sa magiging anak natin?" Tanong ko kahit 3 months palang iyong dinadala ko.

Napangiti si Ryven, para bang nakaplano na ang pangalan na iyon sa isip niya.

"Ailana Skye and Xavier Skyler." Kumunot ang noo ko.

"Kung babae, Ailana? Tapos kung lalaki Xavier?" Mahina niyang pinisil ng ilong ko.

"Skye and Skyler." Pagtatama niya. "Twins." Mas lalo akong natawa sa sinabi niya.

"Wala sa lahi namin ang kambal. Minsan talaga pakiramdam ko lasing ka." Natatawa kong sabi. Hindi siya sumagot kaya nagtataka akong tumingin sa kaniya.

Professor Ry Is My Husband  - (This Love Series - 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon