Chapter 21

1.3K 28 0
                                    


"Mom, can you please calm down? Let's talk about this later." Rinig ko ang kalmadong boses ni Kuya Adrian,

"Calm down? Rinig mo ba ang sinabi ko? Iyong Marcela na 'yon, binastos lang naman ang anak ko. Baka lang nakakalimutan nila kung sino si Leandra!" Galit pa rin na sigaw ni Mommy. Ayaw kong idilat ang mata ko. Natatakot ako sa katotoohan na magkahiwalay muna kami ni Ryven.

"Mom, let's think about it, hm? Pare-pareho kayong galit. Pareho kayong magulang--"

"Oh shut up! Hindi ako nagpalaki ng cheater." Kumuyom ang pareho kong palad. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi naman manloloko si Ryven, pero para saan pa?

"That video is all over the internet, Adrian! Sige nga, paano mo ipapaliwanag iyon? Palibhasa ay matalik mong kaibigan!" Muling sigaw ni mommy. Rinig ko ang malalim na paghinga ni Adrian, halatang nahihirapan kausapin si mommy.

"Mom, your daughter is pregnant. Kung may nasasaktan man dito, siya iyon. He didn't cheat on her. Dati ng ang video na --"

"That's enough, Adrian." Putol ni Daddy sa sasabihin ni Kuya. "Stop tolerating your friend. Sawa na akong pagtakpan ang mga kalokohan niyo." Tumikhim si Daddy. Hindi ko gusto ang magiging takbo ng usapan.

"And now it's my fault? Well, kailan ba hindi?" May pait na pagkakasabi ni Kuya Adrian. Hindi sumagot si Daddy.

"Adrian...." Kalmado n ang boses ni Mommy. Rinig ko ang pagbukas ng pinto. I don't know if it's Kuya or my parents. "Una na kami. Bantayan mo muna ang kapatid mo." Rinig kong sabi ni mommy at muling nabuksan ang pinto. Mukhang hahabulin niya si Daddy.

I miss my family. Masaya naman kani dati, nagkakaroon ng oras kahit papaano pero, hindi ko alam kung saan nagkulang o nagkamali ang takbo ng masaya naming pamilya. Bigla nalang isang araw, ang lamig ng pakikitungo ni Kuya Adrian kay Daddy. Lunayo din sa amin si Daddy.

"You don't have to ask me, Atty. She's my little sister." Nananatili akong nakapikit. Hindi ko man idilat ang mata ko, alam kong nasa bahay kami ni mommy.

Ang bahay kung saan madalas naming puntahan kapag bakasyon. Tahimik kasi at umiiwas din ang mga magulang ko minsan sa mga interview. Lalo na ngayon na medyo mainit ang media sa kanila.

"Yeah. It's okay. Ayusin mo ang dapat mong ayusin. Of course! Just do your thing. What? Of course she's mad. Pero mahal niya si Leandra. Oo na! Balik ka nalang kapag hindi kana tarantado." Natatawang sabi ni Kuya. Mukhang kausap niya sa kabilang linya si Ryven.

Nagagawa niya pang makipag-biruan.

"Sige ba. Puntahan kita sa burol mo." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Sa paraan palang ng pag-uusap nila, sigurado akong may alam si Kuya.

"She's still sleeping. Kina-career ang pagiging sleeping beauty pfft!" Gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila pero mas pinili kong matulog ulit.

***

Nang magising ay agad kong hinanap si Ryven, umaasa na baka nandito na siya sa bahay. Pero, sigurado akong hindi niya alam ang lugar na 'to. Tanging kami lang ang nakakapunta rito ni Kuya Adrian at ang magulang namin.

Napaupo ako at sumulyap sa labas ng bintana ko. Malakas ang alon ng dagat, masyado rin maliwanag ang araw sa labas pero, bakit ang lungkot? Bakit pakiramdam ko ay ang bigat ng pinagdadaanan naming mag-asawa.

Professor Ry Is My Husband  - (This Love Series - 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon