"Ano?!" Naaasar kong tanong kay Katharine. Kanina pa kasi niya ako tinitingnan tapos ay susulyap naman kay Professor Ry na abala sa pagpindot ng laptop niya."Magiging ninang na ba ako?" Nakangisi na naman niyang tanong. 7 years old pa naman ang anak ko, puwede mong iwanan sa akin a magiging anak mo pag gagawa kayo--aww!" Reklamo niya nang mahina kong hampasin ang braso niya.
"Puro ka kalokohan. Minsan talaga para kang ewan." Totoo naman! May oras na sobrang mapang-asar siya, may oras naman na matured siya at ang seryoso masyado sa buhay.
"Labas tayo minsan nina Dani?" Pagyaya niya sa akin. Napangiti ako dahil matagal rin no'ng huli kaming magkita ni Dani.
Talaga bang mahirap sa law school? Gano'n kasi si Dani, lagi nalang siyang wala. Minsan naman ay abala sa modeling.
"Sige ba. Hindi na ba siya busy?" Tanong ko at muling tumingin kay Ryven, hindi ba siya magtuturo? Kanina pa siya abala sa laptop niya, parang may binabasa siya dahil kanina pa naka-kunot ang noo niya. Akala mo talaga, e!
"Sem-break na kasi nila. Siguro nasa law school na rin ako kung hindi lang ako tumigil." Nakanguso niyang sabi.
"Ako rin naman. Isang taon akong nag-stop. Medyo magulo kasi no'ng unang taon ng kasal namin ni Ryven." Pabiro niya akong inirapan.
"Paano mo ba iyan nagustuhan?" Natatawa niyang asar sa akin. Ayan na naman siya. Parang hindi kaibigan, e.
"Wow, ha? Sa tuno ng pananalita mo parang ang panget ng asawa ko." Malakas siyang natawa dahilan upang makuha namin ang atensyon ni Ry at ilan sa mga kaklase namin.
"What's so funny, Ms. Gonzalez?" Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang sulyapan ako ni Ryven, umarko ng isang kilay nito habang ang dalawang kamay ay nakalagay sa bulsa ng pantalon niya. Naghihintay ng sagot.
"Sorry po, Professor. Ito po kasing si Ms. Torres." Nakangising sumulyap sa akin si Katharine. Halatang nang-aasar.
"What about her?" Tanong ni Professor. Hindi pa rin niya inaalis ang titig niya sa akin.
"Sabi niya kasi guwapo raw ang asawa niya. Natawa lang ako kasi wala naman siyang naging boyfriend, e. Asawa pa kaya?" Sinandya niyang sabihin iyon para makita ang reaksyon ni Ryven. Kita ko kung paano napangiti si Ry sa naging sagot ni Katharine.
"Leandra and her delulu era." Natatawang sambit ni Lorie,
"So, you're married, ha? Who's the lucky guy, Mrs?" Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
"Yieeee! Sino raw iyong asawa mo? K-pop ba iyan o literal na hindi nag-eexist? Kaka-wattpad mo iyan, Leandra!" Dagdag naman ni Xina.
"May Mrs, na pala tayo dito." Natatawang dagdag ni Katharine. Halos hindi ko makuhang magsalita, panay kasi ang asar nila sa akin. Mabuti nalang at tapos na iyong klase namin.
"Hahanapin ko talaga iyong ex mo!" Reklamo ko kay Katharine. Palabas na kami ng classroom nang makasalubong namin si Krayze. Halata pa rin ang pamumutla nito.
"Can I talk to your husband?" Kusang umikot ang mata ko sa sinabi niya. Ano ba ang trip nila sa buhay? Kanina lang ay si Katharine ang nang-aasar sa akin, si Ktayze naman ngayon?!
BINABASA MO ANG
Professor Ry Is My Husband - (This Love Series - 1)
RomansaThey say love comes when you least expect it and that you find it from the most unexpected places. This is certainly true in the case of Ryven Rhys Santiago and Leandra Leyn Torres. A love story between Professor and a Student who secretly got marr...