"What happened to her?" Nag-alalang tanong ni Rexha. humigpit ang pagkakahawak ko aa kamay ni Ryven. Mukhang napansin niya ang panginginig ko kaya marahan niyang hinaplos ang buhok ko gamit ang isa niyang kamay.
"i told you, it's no one fault. I blame myself too." Malungkot niyang sabi. Marahan lang akong tumngo. Hindi ko alam kung bakit tinago ang maliit na papel kanina. Nattatakot ba akong magalit na naman siya sa akin?
"Wala kang kasalanan sa nangyari sa akin, Leyn. it's not your fault. Pareho lang tayong naging biktima ng gabing iyong iyon." Dagdag niya pa. Sinulyapan ko si Krayze na nakatitig lang sa akin.
Hindi ko inaasahan ang biglang pagpatak ng luha sa mata ko. I'm with him that night. Rinig niya lahat ng mga sinabi ko sa kanila. "Hey, wife? Listen to me..." Muli kong naramdaman ang paghawak ni Ryven sa pisngi ko.
Patuloy lang sa pagbagsak ang luha sa mata ko. Ito ba ang dahilan kung bakit tinago sa akin ni Ryven ang lahat? Ito ba ang dahilan kung bakit ilang taong nawala si Rexha at kung bakit biglang umiwas sa akin si Krayze.
Did my parents talk to them? Gumawa ba sila ng paraan para hindi ko masyadong maisip ng gabing iyon?
Gusto ko sanang makausap si Krayze pero, mukhang wala naman siyang balak na sabihin sa akin ang totoo. Naging abala rin si Rexha sa university kaya wala akong pagkakataon na makausap siya. Si Ryven naman ay laging nakabantay sa akin. Hatid-sundo niya ako kaya madami na kaming naririnig na mga kuwento tungkol sa amin.
++++
Mabilis na lumipas ang mga oras, nakakapanibago pero kailangan kong mag-focus sa pagbubuntis ko. "Free si Dani ngayon." Sinulyapan ko si Katharine. "Mall tayo? Balik din tayo after lunch?" Ngumiti ako sa sinabi niya. Matagal na naming plano 'to pero, laging hindi tuloy.
"Tayo na at baka mahuli pa tayo mamaya sa next subject natin." Ani ko rito na agad naman niyang sinang-ayunan.
"Aba! Hinay-hinay lang. Excited ka masyado." Natatawa niyamg sabi at humawak sa braso ko.
Pareho kaming natigilan nang biglang dumating si Ryven. "Where are you going?" Tanong niya bago sumulyap kay Katharine.
"Ipag-papaalam ko lang po sana Professor," Magalang na sabi ni Katharine. Mahina akong natawa sa reaksyon niya. I don't know why? Pero pakiramdam ko ay matagal ng magkakilala si Ryven at Katharine.
Minsan kasi ay natitigilan si Katharine sa tuwing nababanggit ko ang band nina Ryven dati. I mean, she's my best friend but, doesn't mean she consider me as her best friend too. And I respect that.
"Hatid ko muna kayo. Is that okay with you, Ms. Gonzalez?" Muli niyang tanong kay Katharine.
"Oo naman po! Para libre na rin sa pamasahe." Nakangiti niya pang sabi. Sa huli ay si Ryven nga ang naghatid sa amin.
"Respeto naman guys, inggit na inggit ako rito." Parinig ni Katharine nang muling halikan ni Ryven ang kamay ko. Madalas niyang gawin iyon sa tuwing nagmamaneho siya. "Wala ka bang puweding ireto sa akin, Professor?" Biro ni Katharine.
"You can have my brother." Natatawang sabi ni Professor Ry.
"Ayaw ko sa may banda, Professor, mga mapanakit iyon." Biro niya pa. Rinig ko ang mahinang pagtawa ng professor Ry.
"I don't know what happened but, sometimes things happen." Makahulugan niyang sabi.
"Hay! May niligtas ka ba sa past life mo, Leandra? Mukhang pinagpala ka sa lahat, e."
Mahina akong natawa sa sinabi niya. This is the first time na nakausap niya Ryven, I guess. Pero nakakatuwa na nasasabay nila ang isa't isa.
"Take care of her." Paalala ni Ryven kay Katharine.
"Opo. Ibabalik ko iyang buo." Mahina kong hanamas ang braso ni Katharine. Kanina niya pa kasi inaasar si Ryven.
"Sige na." Sabi ko kay Ryven nang hindi pa rin siya umaalis. "May 45 minutes nalang kami." Paalala ko sa kaniya. Tumango siya at lumapit sa akin para halikan ako sa noo. "I love you. Call if something happen, hmm?" Tumango ako rito.
Madami pa siyang naging paalala bago tuluyanh umalis, "Grabe! Akala mo naman buntis iyong asawa." Parinig ni Katharine. Sabay kaming pumasok sa loob ng mall.
"Pero buntis ka nga ba?" Tanong niya. Marahan akong tumango na naging dahilan ng pagtili niya. Mukhang nagulat si Manong guard dahil saktong nasa loob na kami.
"Gaguuuu! Seryoso ba? Magiging ninang na ako?" Nakangiti niyang sabi. Kasalukuyan kami nasa elevator nang may sumabay sa aming mga lalaki. Hindi ko sana papansinin iyon nang makita ang tattoo sa braso niya.
Nasa unahan namin sila kaya hindi ko masilip ang mukha niya. Mariin akong pumikit nang maalala ang araw na iyon. Parang ganyan din iyong tattoe na nakita ko nang gabing iyon.
"Okay kalang? Parang hindi ka naman nakikinig." Nagtatampong sabi ni Kathatine. Sakto namang bumukas iyong elevator.
"Pasensya na. Sumakit bigla ang ulo ko." Nag-alala siya bigla, "Gusto mo sa susunod nalang tayo?" Umiling ako.
"Baka mas lalong maging busy si Dani sa Bar Month. Isa pa, ang tagal din ng huli nating labas." Ngumiti ako para ipaalam na ayos lang talaga. Mabuti nalang at mabilis naming nahanap si Dani.
"Namiss ko kayo!" Nakangiti siyang yumakap sa amin ni Katharine.
"Me too!" Sagot ko sa kaniya.
"Mas lalo kang gumanda. Ang daya naman ng buhay, ganyan ba pag napupunta sa tamang tao?" Natatawa niya pang sabi.
Sila talaga iyong naging takbuhan ko. Ang swerte ko lang sa kanilang dalawa dahil hindi nila ako hinusgahan. Nakikinig lang sila sa mga rant ko, dadamayan ako sa mga katangahan ko sa buhay.
"Congratulations! I'm so happy for you!" Nakangiting sabi ni Dani nang malaman niyang buntis.
"Ganitong-ganito iyong naramdaman ko nang malaman kong buntis si Katharine." Kuwento niya pa. Gusto kong matawa nang irapan siya ni Katharine.
"Huwag munang ipaalala ang nangyari." Biro pa ni Katharine. Maaaring hindi pa nila ako kilala nang mga panahon na iyon pero, napakatatag ng pagkakaibigan nila. Ni hindi nila iniwan ang isa't isa.
Kaya siguro hindi naging mahirap kay Katharine ang pagbubuntis niya o baka nahirapan siya pero, ayaw lang niyang ipaalam?
Madami pa kaming napag-usapan bago magpaalam sa isa't isa. Maaga rin kaming bumalik ni university.
"Did you enjoy?" Tanong ni Ryven nang magkita kami. Tumango ako at ngumiti sa kaniya, "Kumain kana?" Tanong ko pabalik.
"Yesh. Kasabay ko si Krayze." Tumango ako. Mabuti naman at unti-unting bumalik ang pagiging close nila sa isa't isa.
"Love?" Pagtawag ko sa pangalan niya. "May nakita ako kanina sa mall." Sabi ko, marahan niyang nilagay sa likod ng tainga ko ang ilang hibla ng buhok ko.
"What did you saw?" Malambing niyang tanong. Bumuntong-hininga muna ako bago tumingin sa kaniya.
"I think you're right, Mr. Kieffer is still alive. I just saw him kanina sa mall." unti-unting napalitan ng galit ang emosyon sa mata ni Ryven.
Sigurado ako sa nakita ko. Siya ang nakita ko kanina.
____
To be continued...
BINABASA MO ANG
Professor Ry Is My Husband - (This Love Series - 1)
RomantikThey say love comes when you least expect it and that you find it from the most unexpected places. This is certainly true in the case of Ryven Rhys Santiago and Leandra Leyn Torres. A love story between Professor and a Student who secretly got marr...