Chapter 6

2.4K 57 18
                                    


"Go LU! Laurent University for the win!" Sabay-sabay naming sigaw. Naka-ilang ulit pa kami bago tuluyang matapos. "Gosh! 7:30 na pala." Dagdag ni Sofia habang kinukuha namin ang gamit namin. "Maaga tayo bukas, guys! Wala na tayong masyadonf oras." Paalala niya. Tumango nalang kami bilang pagsang-ayon.

"Una na ako." Paalam ni Lorie. Marahan lang akong ngumiti at tumungin sa grupo ni Krayze. Kanina ko pa napapansin na panay pahinga siya sa gilid ng court.

Mukhang malalim ang natamo niyang sugat kahapon, "Here." Halatang nagulat siya nang i-abot ko sa kaniya iyong tubig. "You should go home. Paalam ka nalang sa kanila." Nag-alala kong sabi sa kaniya.

Umiling siya, "Ako ang captain sa amin. Hindi ako puweding umuwe," Malalim akong bumuntong-hininga at naupo sa tabi niya. "Bakit hindi ka pa umuuwe?" Tanong niya sa akin.

"Babantayan muna kita." Kumunot ang noo niya, "Why are you doing this, Krayze? Bakit nandoon ka sa lugar na 'yon? Do you know that guy? Ano ang pakay nila? Sino ang taong hinahanap ng lalaki kahapon?" Sunod-sunod kong tanong. Natatawa siyang umiling.

"Dami mong tanong, ha? I can't answer your question. You can ask your husband." Salubong ang kilay ko. Hindi ko alam kung ano ang trip nilang magkapatid. "Nakita ko kayo kanina. Sa may likod ng university." Parang ang lalim ng pinag-uusapan nila.

"Krayze!" Pagtawag sa kaniya ni Sam. Kasama niya sa team.

"He's waiting." Nakanguso niyang tinuro ang entrance ng court. "Uuwe ako after this." Malalim akong bumuntong-hininga. Wala talaga siyang balak magsabi sa akin. Of course! Ryven is his older brother, do'n talaga siya makikinig.

"Are you okay?" Tanong ni Ryven nang nasa loob na kami ng sasakyan. Hindi ko makuhang magsalita, ang dami kong gustong itanong. Like, nasa hospital si Rexha kahapon, pero magkasama sila kanina. Bakit madalas na silang magkausap ni Krayze.

"Kailan pa kayo nagka-ayos ni Krayze?" Sinulyapan niya muna ako bago ibalik ang tingin sa daan.

"Matagal na." Pinaningkitan ko siya ng mata. Abala siya sa pagmamaneho.  "May pinapagawa lang ako." Tumahimik ako. Hindi ko alam pero, naiinis ako. Ang gulo-gulo.

He hates me! Iyan ang alam ko pero, bakit pakiramdam ko gumagawa siya ng mga bagay na hindi ko alam? Bakit parang ang dami niyang tinatago sa akin?

Tahimik lang ako hanggang sa tuluyan na kaming nakauwe. "Are you mad?" Tanong ni Ryven. Nauna kasi akong pumasok sa loob. I don't want to deny it. I'm mad at him.

"You're being selfish, Ryven." Mabilis kong sabi sa kaniya.

"What do you mean?" Naguguluhan niyang tanong. Lumapit siya at hinawakan ang pareho kong kamay.

"That guy was your brother, right?" Halata ang gulat sa mata niya."I'm right. Si Krayze iyong nasaksak kahapon?" Dahan-dahan kong inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Ry, he's your brother." Nasasaktan ako para kay Krayze. Alam kong wala siyang ginawa kung hindi ang maging mabuting kapatid kay Ryven at anak kay tito. Siya ang nagbabayad sa pagkakamali ng mga magulang niya.

"I-I know..." Iritado akong tumalikod kay Ry. Gusto kong pakalmahin ang sarili ko, ayaw kong magalit sa kaniya pero, mali ang ginagawa niya.

Muli akong humarap dito, "Did you ask him to protect me, Ryven? Iyon ba ang utos mo sa kaniya kahapon?" Mariin akong napapikit nang unti-unti siyang tumango.

Professor Ry Is My Husband  - (This Love Series - 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon