Chapter 3 - Dumbfounded

908 60 12
                                    


Chapter theme: Crush - Mandy Moore

Chapter theme: Crush - Mandy Moore

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“CK already book a grab for you. Are you sure kaya mo nang umuwi mag-isa?”

“Oo naman. Bahay ko naman ‘yon, hindi ako maliligaw,” I answered, chuckling.

Imbes na tumawa sa hirit ko ay mahinang binatukan lang ako ni Belle.

“Pasalamat ka talaga, hindi ka nabalian, kundi baka maging best friend mo ng ilang linggo ang saklay. Sabi ko naman kasi sa’yo, huwag ka na lang sumali. Tingnan mo tuloy ang nangyari sa’yo,” dire-diretsong litanya nito habang nakapamewang pa.

Minsan talaga daig pa nitong best friend ko ang nanay ko sa pagtalak.

Bumangon na lang ako sa kama at dahan-dahang itinapak ang mga paa ko sa malamig na sahig ng clinic. Sinubukan kong tumayo pero napaupo ulit ako dahil may kaunting kirot pa akong naramdaman sa kanang paa ko.

I already applied a cold pack on my ankle and it really helped limit the swelling. Kaya lang masakit pa rin talaga siya kapag itinatapak. Gusto ko pa nga sanang mag-stay para tapusin ‘yong program, pero pinapauwi na ako ng nurse para daw makapagpahinga na ako nang maayos.

From my blue tracksuit, I already changed onto my black and white striped tee and high-waisted denim pedal pants. Mabuti na lang at open toe itong sandals na baon ko kaya makakahinga ang paa ko. Inayos na rin ni Belle ang iba ko pang gamit sa bag ko at hinihintay na lang namin ang pagdating ng sasakyan ko nang makauwi na.

“Samahan na lang kaya kitang umuwi?” Belle insisted but I turned her down for the nth time.

Nakapangako pa naman siya sa soon to be boyfriend niya na manunuod siya ng laban nito sa soccer. Ayoko namang sirain ang moment nilang dalawa dahil lang sa injury ko.

“Ako na lang ang maghahatid sa kanya.”

Sabay kaming napalingon ni Belle sa pintuan ng clinic kung saan nakasandal ang pinsan niyang bigla na lang sumingit sa usapan. Nasa bulsa ng kupas na pantalon nito ang dalawang kamay at gaya ko ay nakapagpalit na rin siya ng suot.

Wearing her plain white oversized shirt and black baseball cap on backwards, I could finally see her androgynous side once again.

Totoo talaga ang sinasabi nila. CK Natividad is the epitome of girl crush.

“Stop checking me out, Clio. Baka isipin ko nang may gusto ka na sa akin,” nakangising sita niya sa akin habang nagbababa-taas pa ang dalawang kilay.

“Ang hangin mo po, alam mo ‘yon?”

“Kung hangin ako, eh ‘di sana tangayin ka na papunta sa akin,” kindat nito.

Just One Click (G x G) - WATTYS 2022 WINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon