Chapter 13 - That's All That Matters

466 29 1
                                    

Chapter theme: Sparks Fly - Taylor Swift

Chapter theme: Sparks Fly - Taylor Swift

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I love you, Clio!"

"I love you! Mahal na mahal kita!"

Hindi na ako magkamayaw sa pagngiti habang pinapanuod ko si CK na paulit-ulit na sinisigaw sa mundo kung gaano niya ako kamahal. Ganito pala kapag in love, siya, nakakawala sa sarili.

CK's deep voice was echoing throughout the big field and she looked so happy as lark making my heart dance in pure joy knowing that I was the reason of her never ending happiness.

"Tumigil ka na nga. Baka mapaos ka," suway ko sa kanya. I patted the empty space beside me, inviting her to take a seat.

Kaming dalawa lamang ang nandito ngayon sa big field ng uuniversity dahil lahat ng tao ay nasa auditorium. Tanging ilaw na mula sa mga floodlights lamang ang nagbibigay sa amin ng liwanag, kasama ang buwan at mga maningning na bituin sa langit.

Rinig na rinig hanggang dito ang malalakas na tugtugan mula roon sa College Night dahil hindi pa tapos ang program. Umalis lang kami ni CK upang magkaroon kami ng privacy. Marami kasing mga matang nakatingin sa amin at hindi kami makakilos nang maayos lalo't may hinala na sila sa totoong namamagitan sa amin.

Kahit wala naman akong sinabing pangalan, mukhang nahalata naman ng ibang estudyante na si CK ang tinutukoy ko lalo na si Aliyah. Kulang na lang ay lamunin na niya ako ng buhay dahil buong gabi lang nakayakap sa akin si CK at halos ayaw na akong pakawalan nito.

For now, I wanted to keep our relationship a secret and private.

CK had a goofy smile on her face when she sat down beside me. Gamit namin ang suit jacket niya bilang sapin sa damuhan para hindi madumihan ang suot namin. Pabiro niyang binabangga ang balikat ko kaya natutulak ako. Muntik pa akong mapahiga sa damuhan pero nasalo naman niya ako.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil napakaligalig niya. Mabilis naman niya akong ginawaran ng halik sa labi kaya agad na natunaw ang pagkainis ko sa kanya, lalo pa nang kinulong niya ako sa mga bisig niya nang umihip ang malamig na hangin.

"Can I hear it again?" she begged. Para siyang matagal nang nananabik sa mga salitang 'yon.

I locked our gazes. There was a light in our eyes, shining like a bright star in the night.

"I love you po. I love you, CK ko." I declared with so much tenderness in my voice.

"I love you, so damn much."

She leaned down to meet my lips and started kissing me with gentleness. Para siyang natatakot sa bawat paggalaw ng labi niya at ramdam ko ang bahagyang panginginig nito. I was anticipating for her to fasten our pace, but she kept on kissing me in a slow rhythm.

Just One Click (G x G) - WATTYS 2022 WINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon