Chapter 6 - There's Nothing Wrong With You

734 39 11
                                    


Chapter theme: Can't Take My Eyes Off You - Joseph Vincent

Chapter theme: Can't Take My Eyes Off You - Joseph Vincent

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


12:05 p.m

CK:

Good morning. :)

Clio:

Anong good morning? Tanghali na kaya.

CK:

Hahaha oo nga.

Tinanghali na ko nang gising.

Ang sakit ng ulo ko.

Clio:

Ayan, inom pa more.

CK:

Sarap kasi ng wine. Mukhang mamahalin pa kaya sinulit ko na.

Clio:

Baliw.

CK:

Baliw sa'yo?

Clio:

CK!

Ang aga aga ha.

CK:

Hahahaha bakit? Nagbablush ka na?

Clio:

I'm not.

CK:

Pero kagabi nagblush ka?

Clio:

Ewan ko sa'yo. Ayaw na kitang kausap.

CK:

Hahaha sorry.

Sige na. Hindi ko na ipapaalala. :)

Nag-init ang mukha ko nang sumagi na naman sa isip ko ang mga kaganapan sa pagitan namin. Kagabi pa 'yon, pero ramdam na ramdam ko pa rin ang mahigpit na yakap sa akin ni CK. Hindi ko nga alam kung gaano kami katagal na magkayakap kagabi. Kung hindi pa umakyat si Uncle Lukas sa second floor ng restaurant niya, hindi pa siguro kami maghihiwalay.

Just One Click (G x G) - WATTYS 2022 WINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon