Chapter 15 - If One Day

414 34 0
                                    

Chapter theme: Say You'll Never Go - Erik Santos

Chapter theme: Say You'll Never Go - Erik Santos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Cienna Kate Natividad."

I couldn't stop myself from laughing so hard when CK's face contorted into a deep frown when I called her by her full name. Babaeng-babae naman pala ang pangalan niya. Ngayon ko lang nalaman 'to.

"Cienna Kate pala, ha!" gatong pa sa akin ng boyfriend ni Belle na sinabayan din ng malakas na paghalakhak ni Belle mula sa kusina habang nagtitimpla ito ng juice.

Nandito kasi kami sa sala ng bagong bahay nila na binili ng parents ni Belle. Finally, nagpasyang mag-stay na for good sa Pilipinas ang magulang ng kaibigan ko. Magkakasama na rin sila pagkatapos ng mahabang panahon na nagkahiwalay sila. CK lived with them too and I'm happy that they were treating her like she's their own daughter.

"Akin na nga 'yan!" Nakasimangot na inagaw ni CK ang i.d niya mula sa akin at ibinalik ulit ito sa kanyang bag. Sumalampak siya ng upo sa sahig na malayo ang agwat sa akin.

"Sorry na po," paglalambing ko. Sinundot-sundot ko ang pisngi niya ng takip ng ballpen na dinampot ko mula sa lamesa pero hindi ito umimik. Nagbasa na lang siya ng libro at bumalik na sa pagre-review.

Ang bilis lumipas ng araw. Parang may nagfa-fast forward nito. Sana lang ay may remote na pwedeng ihinto ang oras at kung pwedeng ibalik ang mga lumipas na araw, babalik ako sa panahon na first year college palang kami. Hahanapin ko si CK, at ako na mismo ang lalapit sa kanya nang sa gayon, naging mahaba pa ang pagkakataon na magkakilala at magkasama kami.

Midterm na namin kaya naisipan naming mag-review ng magkakasama kahit na magkakaiba naman ang course namin. Tulungan na lang kami kapag may hindi kami naiintindihan.

Katatapos lang din ng election para sa officers ng panibagong term ng SSG. Goodbye, Aliyah for president na. Sana matino na ang naiboto nilang bagong president ng SSG.

Ang dami na talagang naganap sa loob ng ilang buwan. Yvette on the other hand, is still ignoring me at nadamay na rin si Belle. She really drifted away from us. Hindi na lang nagtanong pa si Belle kung bakit nagkagano’n ito. Ang rason niya, hindi niya ugaling maghabol sa mga taong nang-iiwan bigla sa ere.

I felt a little guilty. Partly, it was my fault why she she suddenly behave like that towards us. Wish ko lang talaga, sana maging maayos ulit kami bago dumating ang graduation. Nakakahinayang din naman ang mga pinagsamahan namin.

"Guys, meryenda muna."

Bitbit ni Belle ang tray na may lamang isang pitsel ng juice at platito na may slice ng cake nang bumalik ito sa sala. Nilapag muna namin sa sahig ang mga libro at reviewers naming nagkalat sa mesa para hindi mabasa ang mga ito.

Just One Click (G x G) - WATTYS 2022 WINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon