Chapter 2 - Relief

1.2K 62 10
                                    


Chapter theme: Falling Fast - Avril Lavigne

“Sigurado ka na ba dito, Clionna Agnes Velez? Pwede ka pa namang umatras

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Sigurado ka na ba dito, Clionna Agnes Velez? Pwede ka pa namang umatras.”

“Kung kailan intramurals na, aatras pa? At kailangan talagang tawagin ako sa buo kong pangalan?” reklamo ko mula sa cubicle na kinaroroonan ko.

Nasa tapat lang ng pinto si Belle at hinihintay ako. Kanina niya pa ako pinagsasabihan pero lumalabas lang sa kabilang tainga ko ang mga litanya niya. Nandito na, eh. Bawal na rin naman akong umatras.

Matapos kong magpalit ng damit ay lumabas na ako para manalamin. Belle instantly took a step closer to study my appearance. “You look good on that. Mukha kang professional athlete.”

Hindi na lang ako umimik sa mga tinuran niya. Hindi ko kasi alam kung pinupuri ba ako ng best friend kong ito o may kasamang pang-aalaska ‘yon. Alam ko namang lampa ako at hindi ako mahilig sa kahit anong sports, kaya malamang inaasahan na nitong magkakalat lang ako.

I was wearing a blue tracksuit and grey running shoes dahil tatakbo ako mamayang hapon. Sumali kasi ako sa sixty meter dash sa women’s division. Nakatali naman ang brown at mahaba kong buhok para walang sagabal sa mukha ko kapag nagsimula na kami.

“Bakit kasi sumali ka pa? Madapa ka pa niyan, sige ka.”

My face suddenly crumpled, looking unhappy when I threw a glance at my best friend. I knew it. She was just making fun of me.

“Wala ka bang tiwala sa akin?”

“Medyo nag-aalala lang. Lampa ka pa na—”

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil malakas ko siyang hinampas sa braso. Oo na, lampa na! Ipagduduldulan pa talaga.

“Aray, ha! Kapag ikaw talaga nadapa, pagtatawanan kitang babae ka!”

Napangiwi na lang ako sa pagiging supportive niyang kaibigan. Sarcasm intended.

“Charot lang! Siyempre i-che-cheer kita kapag tatakbo ka na,” pagbawi niya. Tinaas niya pa sa ere ang dalawang kamay niyang nakakuyom bilang pag-cheer pa sa akin. “Fighting, beshy!”

Napailing na lang ako. “Tara na nga, balik na tayo ro’n.”

Hinila ko na si Belle palabas sa c.r para bumalik sa big field ng minamahal naming university. Doon kasi ginaganap ang intramurals namin.

Mazaneda University was the best endowed and most prestigious school here in the city of Flaviano. My elder sister also graduated here at gusto niyang sumunod ako sa mga yapak niya, kaya dito rin niya ako pinag-enroll. She always wanted the best of everything for me, and I just followed her like an obedient child. Minsan nakakasal ka na rin, pero nasanay na rin naman akong mabuhay sa likod ng anino niya.

Just One Click (G x G) - WATTYS 2022 WINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon