Chapter 20 - Letting Go

595 32 0
                                    


Chapter theme: Set You Free - MYMP

When I was a kid, my sister and I were inseparable

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

When I was a kid, my sister and I were inseparable. She adore and loves me dearly, like I'm the most precious thing in her world. She's afraid of losing me, like how afraid she was when she lose our real mother. Her world crumbled when our mom died, but then because of me, she found another reason to live.

But everything changed when our dad married someone else again. Pakiramdam ng kapatid ko, para siyang naagawan.

Alam ko, kita ko kung gaano niya kamahal ang tunay naming ina, at nang mawala ito, ibinuhos sa akin ng kapatid ko ang buo niyang pagmamahal.

Sa takot niyang mawalan ulit, sa pag-aakala niyang inaagaw kaming dalawa ni daddy mula sa kanya, her too much love for me turned into obsession.

Sa sobrang pagmamahal niya, hindi na niya namamalayan na nasasakal na pala ako. At dahil sa labis ko ring pagmamahal sa kanya, at dahil ayokong maramdaman niya na nag-iisa siya, nabuhay ako na naging sunod-sunuran sa lahat ng gusto niya.

I wanted to see her happy, kaya naging masunuring kapatid ako. Isang manikang de susi.

Wala namang kaso sa akin 'yon noong una. Kumbaga, nasanay na ako sa gano'ng klase ng buhay. Lahat nakaplano na para sa akin at hindi ako nagreklamo. I thought that was an easy way, walang hassle. Ang tanging gagawin ko na lang ay sundin ang perpektong linya na iginuhit ng ate ko para sa akin. Akala ko, tama lang ‘yon.

Hanggang sa nagkaroon ako ng sariling pag-iisip. Hanggang sa naramdaman kong may kulang sa akin.

Happiness. Genuine happiness.

Wala ako nu’n, kasi sa kaloob-looban ko, hindi naman talaga ako masaya sa kung anong pinapagawa ng  kapatid ko. Nalulunod ako at hindi makahinga sa sobrang taas ng mga expectations niya para sa akin.

Kaso, duwag ako. Natakot akong suwayin siya. Takot na takot akong ma-disappoint siya sa akin. Nilamon ako ng takot na 'yon sa loob ng mahabang panahon and I can't break free.

Until I met CK Natividad. Nang dahil sa kanya, unti-unti akong nagkaroon ng lakas ng loob para sundin ang matagal nang dinidikta ng puso ko.

Gusto kong mabuhay ng may kalayaan. Gusto kong mabuhay para sa sarili ko at hindi para sa dinidikta ng ibang tao para sa akin.

Sa mahabang panahong nakakulong sa napakalungkot na hawla, dumating sa buhay ko si CK at pinalaya ako mula sa pagkakasadlak ko sa matayog kong pedestal. Pinawi niya ang lahat ng takot na bumihag sa puso ko at sa kanya ko nahanap ang bagay na matagal kong inaasam.

Just One Click (G x G) - WATTYS 2022 WINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon