Epilogue

980 43 12
                                    

Chapter theme: It's You - Henry

Chapter theme: It's You - Henry

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

5 years later...

"You may now kiss the bride."

Sinalubong ng masigabong palakpakan ang bagong kasal nang matapos ang seremonya ng pari. Walang mapagsidlan ang kasiyahan ko habang pinagmamasdan ko ang mag-asawa. Hindi ko sukat akalain na darating kami sa ganitong tagpo.

Nangilid ang luha sa mga mata ko dahil sa labis na saya na nararamdaman. Ang tagal kong hiniling sa Diyos na maramdaman ko ulit ang ganitong klase ng kaligayahan na wala nang inaalala na baka may kapalit ang lahat ng ito.

Naramdaman ko ang banayad na paghaplos ni mommy sa kamay ko kaya nakangiting nilingon ko siya sa tabi ko. Hindi ako makapaniwala na kasama ko na siya ulit at narito na siya sa tabi ko. Gaya ko, puno ng saya ang luhaang mata niya.

Limang taon. Limang taon akong nawalay sa kanya pero heto at kasama ko na siyang muli.

I missed her so much. My mother, my best friend, my anchor and my protector. All these years, wala akong ibang hiniling na sana maging maayos na ang sitwasyon namin. Akala ko sa panaginip na lang mangyayari 'yon but then God answered all my prayers.

He gave us the serenity that we've been longing for. And I'm proud to say that my mom, my sister and I were now a happy family tapos madagdagan pa ng miyembro ang pamilya.

Pagkatapos ng kasal ay dumiretso na kami sa hotel kung saan gaganapin ang reception. Nakaupo kami ni mommy sa pabilog na mesa na may kulay lavander na mantel at ang bawat upuan naman ay may kulay pink na cover. Ito kasi ang motif ng kasal, lavender at pink. My sister and I's favorite color.

I looked at the bride and groom. They looked so happily in love and contented. Parang may humaplos sa puso ko nang makita ko ang matatamis na ngiti sa labi ng kapatid ko. Akala ko ay wala na siyang kakayahang ngumiti, mali pala ako.

I’m glad that she finally found her own happiness.

Nakita kong tumayo ang groom para alalayan ang kapatid ko sa pag-akyat sa may bilog na platform. I think they're going to give a speech kasi inabutan sila ng mic ng emcee. There's a spotlight shining down on them kaya lahat ng atensyon ay natuon sa kanila.

"Ehem," my sister cleared her throat. Her gaze landed on me and I smiled genuinely when our eyes met. She's really radiating in her white wedding gown.

Huminga muna siya ng malalim. Narinig pa namin sa mic ang pagbuga niya ng hangin kaya nagtawanan pa kami.

"Ehem. Mic test. Mic test," biro niya pa. Halatang tensyonado.

Just One Click (G x G) - WATTYS 2022 WINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon