Chapter 17 - I Do

417 27 0
                                    

Chapter theme: I Do - A Rocket To The Moon

Chapter theme: I Do - A Rocket To The Moon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I didn't have a good feeling about this. Parang tatakas na ang puso ko sa dibdib ko dahil sa matinding kaba. Kung alam ko lang na sa school pala ng ex ko gaganapin ang basketball match nila CK, hindi na sana ako sumama. But I didn't want to disappoint CK either.

Ngayon lang ako makakanuod ng laban niya at ayoko naman na sumama ang loob niya sa akin kapag hindi ako nagpakita.

Napakagat-kagat na lang ako sa kuko ko at sinikap na pakalmahin ang kalooban ko.

"Hoy! Namumutla ka na. Ayos ka lang?" alalang tanong ni Belle. Naramdaman siguro niya ang pagkabalisa ko.

Tumango na lang ako at pilit na ngumiti.

"Iyong ex mo ba? Huwag kang mag-alala, malawak naman 'tong school nila at maraming tao rito sa covered court. Hindi naman siguro magtatagpo ang landas niyo," aniya.

Naging malalim ang bawat paghinga ko at kahit anong gawin ko, hindi pa rin kumakalma ang puso ko.

"Chill. Nasa tabi mo ako. Hindi ko hahayaang makalapit siya sa'yo." Marahang tinapik ni Belle ang balikat ko saka malapad na ngumiti. "Gusto mo bang puntahan na lang muna natin si CK? Matagal pa naman magsisimula ang laban nila," pag-aaya niya.

Tuluyang umaliwalas ang mukha ko dahil sa suhestyon niya. Just hearing my girl's name was enough to calm all my senses, forgetting all my fears and worry.

Excited na hinila ako ni Belle patayo. Nakiusap pa kami sa mga katabi namin na bantayan muna ang upuan namin. Sa bandang unahan kasi kami nakaupo, sayang naman kung may umagaw nito. Malugod na tumango naman 'yung babaeng napakiusapan namin kaya nagtatatakbo na kami ni Belle palabas ng covered court.

Hindi namin alam kung saan ang locker room ng basketball team dito kaya nagtanong-tanong na lang kami sa mga nakakasalubong namin. Itinuro nila ang isa pang building sa bandang kaliwa ng covered court. Hinila naman ako patakbo ni Belle kaya nagpatianod na lang ako. Mas excited pa ata siyang makita ang pinsan niya kaysa sa akin.

"Okay lang ba talaga na pumasok tayo?" nag-aalinlangan kong tanong nang nasa tapat na kami ng pinto ng locker room. Baka kasi makaistorbo lang kami sa pagpapahinga nila.

"Ano ka ba? Okay lang 'yan. Malakas ako kay Coach," pagyayabang pa ni Belle.

Ilang katok lang sa pinto ay agad namang may nagbukas nito. Bumungad sa harapan namin ang isang matangkad na lalaki. May edad na ito, mukhang nasa late 50's na pero maganda pa rin ang pangangatawan niya. Halatang maalaga sa kalusugan.

Just One Click (G x G) - WATTYS 2022 WINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon