Chapter 16 - I Miss You

407 32 0
                                    

Chapter theme: Say Goodbye - Chris Brown

Chapter theme: Say Goodbye - Chris Brown

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

7:50 a.m

Clio:

Huwag mo muna kong sunduin ngayon.

May pupuntahan kasi kami ni mommy.

CK:

Hindi ka papasok?

Clio:

Yep.



"Alam na ba ni CK ang tungkol dito?" Mom asked while driving, her eyes focusing on the road.

Itinago ko ang cellphone ko saka humarap sa kanya. "Hindi pa po. Matagal-tagal pa naman bago ang graduation, saka ko na lang sasabihin sa kanya."

I heard mom let out a heavy sigh. She opened her mouth to say something but quickly shut it again. She seems hesitant.

"Kung anong desisyon mo, susuportahan kita. But don't you think it's a bit unfair for CK? Napalapit na rin sa akin ang batang 'yon at para ko na rin siyang anak. I don't want to see the both of you hurting."

"Naghahanap lang ako ng tamang oras, mom."

"Ipagpaliban mo man 'yan ngayon o sa mga susunod pang araw, either way masasaktan pa rin naman siya. Hindi ba mas makakabuting alam niya 'yang pag-alis mo nang makapaghanda naman siya? Sigurado naman akong maiintindihan ka niya," litanya niya. "One of the cruelest thing you can do to the person you love is to leave them hanging. She doesn't even deserves that, no one does."

Parang may kutsilyong sumaksak sa puso ko dahil sa mga salitang itinatatak ni mommy sa isipan ko.

I knew, I was being unfair. Sasabihin ko naman sa kanya ang lahat kaso hindi palang talaga ako handa. At hindi ko alam kung magiging handa ba ako. Paano mo nga ba paghahandaan ang isang bagay kung alam mong magdudulot lang ito ng sakit sa taong mahal mo?

Natatakot ako sa maaaring maging reaksyon niya. Ngayon pa nga lang na medyo dumidistansya ako sa kanya, kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip niya.

Pagkatapos ng midterm, naging abala ako sa pag-aasikaso ng papers ko. Madalas ang naging pag-absent ko at bihira na lang kaming lumabas ni CK dahil naging abala rin siya sa pagtatrabaho sa restaurant ni Uncle. Kinulang kasi sila ng tao ro'n dahil bigla na lang hindi pumasok ang isang empleyado ni Uncle kaya sinalo ni CK ang shift nito. Kahit Sabado at Linggo, pinapasukan niya na rin.

Just One Click (G x G) - WATTYS 2022 WINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon