Chapter theme: Missing You - BTOB
"Hindi ka na naman pumasok?"
Bumungad agad ang magkasalubong na kilay ng ate ko sa screen ng aking laptop nang sagutin ko ang tawag niya. Bihira lang talaga itong tumawag sa akin para mangamusta, pwera na lang kung sesermonan niya ako. I'm sure nakarating na sa kanya ang pag-absent ko ng ilang araw dahil kaibigan niya ang isa sa mga professor ko.
I've realized that it sucked being me dahil bantay sarado ako ng ate ko kahit malayo ito.
She was wearing a navy blue pajama at nakalugay ang mahaba niyang buhok na medyo kulot ang dulo. Patulog na siguro ito. Gabi na kasi doon sa Canada.
Nang maka-graduate ang Ate Ciara ko sa college, tumira na siya doon sa Canada kasama ang ibang relatives namin sa side ni daddy. Hindi na siya umuwi ng Pilipinas magmula pa noon dahil hindi sila okay ni mommy—ang stepmother namin.
"I'm not feeling well, ate," matamlay na sagot ko.
Tinaasan niya ako ng isang kilay at binigyan ng matatalim na pagsulyap kaya napayuko ako. “Umayos ka, Clionna, ha. Kung kailan graduating ka na, doon ka nagbubulakbol."
"Hindi naman ako nagbubulakbol. Masama lang talaga ang pakiramdam ko," giit ko.
Two days na kasi akong hindi pumapasok. Nasa bahay lang ako at nagkukulong sa kwarto ko buong araw. Hindi ko rin sinasagot ang mga tawag at chat sa akin ng mga kaibigan ko, mas lalong-lalo na ang mga tawag at chat sa akin ni CK.
Ayoko na siyang makausap. Ayoko na rin siyang makita.
Bakit kasi pumasok-pasok pa siya sa buhay ko? Nananahimik ang puso ko, ginulo-gulo niya.
"Saan mo gustong magtrabaho after your graduation? Dito na lang ba sa Canada? Or if you want, sa Australia? I think mas maganda ro'n."
Mabilis akong nag-angat ng tingin at sunod-sunod na umiling nang marinig ko ang sinabi ni ate Ciara, dahilan para mas lalong lumukot ang mukha ng kapatid ko.
"Ayaw mo? Okay, sige, dito ka na lang sa akin sa Canada para nababantayan kita. May magbubukas kaming bagong branch ng hotel sa Ontario, doon na lang kita i-a-assign."
"I mean, ayoko nang umalis. Dito na lang ako sa Pilipinas. Marami rin namang magagandang opportunity dito," paglilinaw ko.
"Anong pinagsasasabi mo diyan, Clionna?!” bulyaw niya. “Pinag-usapan na natin 'to dati pa, hindi ba? Future mo ang nakasalalay dito kaya umayos ka!"
BINABASA MO ANG
Just One Click (G x G) - WATTYS 2022 WINNER
RomanceWATTYS 2022 WINNER IN ROMANCE CATEGORY Overly dependent on others' approval, an obedient college girl struggles to express her thoughts openly. When she realizes she has a romantic attraction to the most popular girl at their university, things get...