Chapter 5 - Surprise

713 52 4
                                    

Chapter theme: Happy Birthday - Click5

Chapter theme: Happy Birthday - Click5

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

10:29 p.m


CK:

So, you're avoiding me now?

Clio:

I'm not.

CK:

Yes, you are.

Hindi mo ko pinapansin kapag nagkakasalubong tayo sa university. Ilang araw mo nang ginagawa sa akin 'to.

Ayaw mo na ring magpahatid.

Bihira ka na lang din magreply.

Clio:

Busy lang.

CK:

Alam mo ba kung anong araw ngayon?

Clio:

It's Saturday.

CK:

Hahaha Ang cute mo talaga.

Clio:

I know. 

Talk to you later! May gagawin pa kasi ako. Bye!

Mabilis na sinuksok ko sa pouch ko ang cellphone na hawak nang huminto na ang grab na sinasakyan ko sa tapat ng mall. Belle and I had planned to meet today. Magsho-shopping kami ng pang-regalo para sa taong magbi-birthday ngayon—si CK.

It was a surprise party we had prepared and that girl didn't have any idea at all. Excited na tuloy akong makita kung anong magiging reaksyon niya.

"Ang tagal mo, ha!” ungot sa akin ng kaibigan ko pagdating na pagdating ko.

Nadatnan ko itong nakaupo sa labas ng isang coffee shop habang humahaba ang nguso at nakahalukipkip. Bakas sa mukha niya ang labis na pagkabagot kaya matamis na ngumiti na lamang ako. Maaga naman akong gumising para hindi ma-late sa usapan, kaso napakabagal ko talagang kumilos.

"Sorry na, beshy!" Kumapit ako sa braso niya at humalik sa kanyang pisngi.

Pabirong inirapan niya ako at nagpunas pa ng panyo sa kanyang pisngi kaya mahinang hinampas ko siya sa balikat, kapagkuwa'y sabay na nagtawanan na lang kami.

Just One Click (G x G) - WATTYS 2022 WINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon