Chapter 4 - It's Not Okay

824 46 11
                                    

Chapter theme: I Love You So Much You'll Know It - A Love So Beautiful OST


"What's wrong anak? Ayaw mo ba ng niluto kong ulam?" alalang tanong ni mommy sa akin nang mapansin niyang hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"What's wrong anak? Ayaw mo ba ng niluto kong ulam?" alalang tanong ni mommy sa akin nang mapansin niyang hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko.

Samantalang si CK, pangalawang round na niya ata. Halatang sarap na sarap siya sa nilutong chicken pastel ni mommy.

Well, masarap talaga magluto ang mommy ko and that's one of her specialty.

"I'm okay, mommy. May naalala lang ako saglit," I smiled reassuringly.

Ayaw ko namang mag-isip pa ng kung ano kaya pinilit kong kumain kahit pa nawiwindang pa rin ang mundo ko. Aminado ako, nagulo ang buong sistema ko dahil sa mga sinabi ni CK kanina.

Pasimple akong sumulyap sa kanya. Feel at home talaga siya kaya naman tuwang-tuwa si mommy sa kanya lalo't magana siyang kumain.

Siguro naramdaman niya ang mga titig ko kaya napatigil siya sa pagkain. Bumuka ang bibig niya na parang may gustong sabihin, pero mabilis din naman niyang itinikom ang kanyang mga labi.

Ano na naman kaya ang natakbo sa isip nito?

"Tita," panimula niya. Natuon naman ang atensyon namin ni mommy sa kanya. "Pwede po ba akong mag-take out nitong luto niyo? Ang sarap po kasi. Kung ayos lang naman po."

Saglit kaming nagkatinginan ni mommy. Sabay rin kaming napangiti nang iyuko ni CK ang ulo niya na tila nahihiya. Pulang-pula rin ang tainga niya. Cute.

"Sure hija, marami naman akong niluto. Ipagbabalot kita mamaya, okay ba?"

Mabilis na nag-angat ng tingin si CK. Nangingislap ang mga mata nito. Para siyang isang bata na animo'y nakatanggap ng pamasko.

"Thanks po, tita!" hyper na sambit niya bago bumalik ulit sa pagkain.

Naka-tatlong round pa siya. Seriously, gaano ba siya katakaw?

━━━━━━━━━━━━━


I couldn't sleep that night.

Pabaling-baling ako sa higaan para kumuha ng antok pero kahit anong gawin ko, hindi talaga ako makatulog.

"Hindi lang kita gustong-gustong pikunin. Gustong-gusto rin kita."

Kusang nag-play na naman sa utak ko ang mga sinabi ni CK kanina at hindi ko ito maiwaglit sa isipan ko.

And what does she mean by that? Gusto niya talaga ako? Imposible naman. Mukhang may something sila ni Aliyah kahit sabihin niya pang fling lang 'yon. And why does it bother me so much?

Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok. Matulog ka na nga lang, Clionna!

Dumapa ako sa kama at inabot ang cellphone ko sa ibabaw ng bedside table. Ayaw pa akong tamaan ng antok at wala akong magawa kaya nag-browse na lang ako nang nag-browse sa facebook. I was so engrossed with watching some funny videos and sharing memes on my wall when suddenly, a chat from CK pop-up on my screen.

Just One Click (G x G) - WATTYS 2022 WINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon