Chapter 9 - I'm Here

605 36 1
                                    

Chapter theme: I'm Here For You - X1

Chapter theme: I'm Here For You - X1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Wala na si mama. Anong gagawin ko?!"

Walang ibang maririnig sa buong bahay kundi ang mga palahaw ni CK. Palakas ito nang palakas hanggang sa nagiging sigaw na ito.

Awang-awa ako sa kanya pero hindi ko alam kung paano ko siya patatahanin. Naiiyak na rin ako kaya napatingala na lang ako sa kisame, pilit na nilalabanan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

Wala akong mahanap na salita para maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Sadya namang masakit mawalan ng taong minamahal. Ganitong-ganito rin ako noon nang mawala sa amin si daddy. Para na rin akong pinapatay noon dahil sa labis na sakit. Laking pasasalamat ko na lang na nasa tabi ko lang si mommy at hindi ako iniwan. Siya ang naging lakas ko nang mga panahon na 'yon.

Kaya ngayon, nandito ako para kay CK. I'm willing to lend my strength to her and I'm willing to share with her pain.

"Mag-isa na lang ako...iniwan na niya ko…iniwan na niya ako!" she mumbled repeatedly, as she choked on her sob.

Hinagod-hagod ko ang likod niya dahil nahihirapan na siyang huminga. She looked so broken and vulnerable right now. Malayong-malayo sa CK na puro kalokohan ang alam at palagi lang nakangiti sa akin.

"Shh. You're not alone. We're here. I'm still here. Hindi kita iiwan," I said, biting my lower lip. Tumulo na rin ang luha sa mga mata ko pero mabilis kong pinunasan 'yon.

Ramdam ko ang panginginig ng katawan ni CK dahil sa walang tigil na paghagulgol niya. Wala akong ibang magawa kundi ang yakapin na lang siya ng mahigpit. Ang iparamdam sa kanya na handa akong damayan siya.

Hindi ko na alam kung gaano katagal na ba siyang umiiyak sa mga bisig ko. Hinayaan ko lang siya na ibuhos niya sa akin ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Pagkaraan ng halos isang oras, nakatulog na rin si CK dahil sa pagod. Natatakot akong gumalaw dahil baka magising siya kaya nanatili kaming nasa gano'ng posisyon. Nakasalampak sa sahig habang yakap ko siya.

Maingat kong hinawi ang iilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya para mapagmasdan ko siyang mabuti. My heart instantly wrenched at the sight of tears. Even in her sleep, she was still crying.

Marahan kong pinunasan ang luha na naglalandas sa pisngi niya gamit ang kamay ko. Bawat dampi ng daliri ko ay banayad lamang dahil ayokong maistorbo ang tulog niya. Mukha kasing wala pa siyang maayos na pahinga dahil nangingitim ang ilalim ng mata niya.

"Clio?" I heard Belle's footsteps from outside and when I saw her entering CK's room, I quickly put my forefinger on my lips asking her not to make a sound.

Just One Click (G x G) - WATTYS 2022 WINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon