Chapter 14 - Must Protect

468 30 2
                                    

Dedicated kay blinkingsoya kasi lab lab niya si CK. 😂

Chapter theme: I Know - Yasmien Kurdi

Chapter theme: I Know - Yasmien Kurdi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Go, CK! Shoot mo!"

"Woah! Lodi talaga kita! Ang galing mo!"

"Marry me CK! Syet! I'm so gay for you."

Naririndi na ako sa ginagawang ingay ng mga babae sa tabi ko at gustong-gusto ko na silang patahimikin kanina pa. Kulang na lang mawasak na ang mga ngala-ngala nila dahil sa tindi ng pagsigaw nila.

Practice game lang naman ito, pero ang mga fangirls ni CK, may bitbit pang banner na may mukha niya. Pati 'yung hawak nilang pamaymay may print din ng mukha ni CK.

Hindi ko alam na may CK merch pala? Saan kaya makakabili? Kidding.

"First time mo siyang mapanuod maglaro, no? Hindi ba ang galing niya?!" Belle stated with oozing confidence in her voice.

I nodded and smiled at her but my eyes were still focusing on CK.

Totoo nga ang sinasabi nila, halimaw si CK kapag nasa loob ng basketball court. Siya ba naman ang laging pumupuntos. Kaya naman pala siya ang ace player, eh. Ang astig niya sobra, lalo na nung nag-three points shot siya. Mas lalo akong humahanga sa kanya.

Hindi ko akalain na kaya pala nitong magseryoso. Magaling kasi sa kalokohan ang babaeng 'to.

Nang matapos ang first half, nagtatatakbo palapit sa akin CK. Pawis na pawis na siya at medyo basa na rin ng pawis ang brown niyang buhok na naka-ponytail.

Inabutan siya ni Belle ng towel pero lumapit sa akin si CK para magpapunas. Nagpapa-cute pa ito sa akin kaya natawa na lang ako. Kinuha ko ang towel mula sa kanya at masuyong pinunasan ang mukha niya. Pagkatapos ay binuksan ko ang tumbler niyang may laman na tubig at inabot ‘yon sa kanya.

"Thanks," magiliw na saad niya nang matapos siyang uminom.

"Nice game," puri ko. Pinunasan ko ulit ang mukha niya.

"Sila ba?"

"Hindi naman siguro. Baka close friend lang."

"Pero ang ganda rin ni ate girl, no? Bagay sila infairness."

"Siya 'yong kumanta nung College Night, 'di ba? Maganda pala siya sa malapitan."

"Okay lang naman sa akin kung sila nga, ship ko na sila!'

"Walang girlfriend 'yan si CK. Takot 'yan sa commitment, ang alam ko, ha."

Just One Click (G x G) - WATTYS 2022 WINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon