BT3

12 1 1
                                    

Nakapabilog kaming lahat habang nasa gitna namin ang lamesa at bote.

Nagsimula na kaming maglaro at pinaikot na ni Chlient ang bote hanggang sa tumama ito kay Rian.

"Truth or Dare?" tanong ni Chlient

"Duwag Ang mag dare! Truth na yan. Truth, truth, truth!" Rinig kong sigaw nila.

Naging maingay ang pwesto namin dahil sa laro at napatingin din ang ibang mga nasa kabilang table sa amin.

"Okay, Dare! Wala akong pake sa inyo, mga hangal, desisyon ko to!!" Sigaw ni Rian.

Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Rian. Kaya masarap kasama si Rian dahil di nauubusan ng joke. She's maybe a 'pranka' person but we adore her for being herself.

Tumingin sa taas si Chlient at nilagay ang hintuturo sa baba na animo'y nagiisip kung anong dare ang ipapagawa kay Rian.

"See that boy near the counter table?" Turo niya at tinignan naman namin ang tinuro niya. He's drinking and he has that badboy looks. "Kiss him in the jaw and then leave. Let's see if you can do that." Chlient smirk.

Tinignan lang namin si Rian habang naglalakad papunta sa lalaki.

Kumuha ulit ako ng panibagong shot at ininom ito. Medyo naramdaman ko na ang pagkahilo ko pero hinayaan ko nalang dahil nasa katinuan pa naman ako.

Rian did it, and the guy that she kissed is still in shocked! HAAHHAHAHA he looks so adorable.

Bumalik siya sa tabel namin na pangisi ngisi, pinaikot ulit ni Rian ang bote (dahil sya ang na dare) at tumama ito kay Reyna.

Ngiting ngiti si Rian dahil mahiyain pagdating sa mga laro si Reyna.

Reyna looks like an angel, innocent. She had a dimple in her left cheek that makes her attractive.

"Sooooo Reynaaa! Truth or Dare ?" Rian grin.

"Ahm, truth nalang para madali."

"Madali pala ha." rinig kong bulong ni Rian.

"Do you watch porn?" Rian smirked.

Lahat kami natahimik sa tanong ni Rian. At ilang sandali pa ay humagalpak kami sa kakatawa, dahil sa mukha palang naman ni Reyna ay inosenteng inosente na ito at di makabasag pinggan. Kaya imposibleng manonood ito ng porn.

Pulang pula na ang mukha ni Reyna dahil sa hiya ng bigla itong sumagot. "Yes, I already watched those things. I maybe have an innocent face but that doesn't mean I don't watch porn." She said while grinning widely.

Lahat kami nabigla dahil sa sinabi niya. Did an Angel just suddenly turn into something bad?

O baka naman nasapian ito?

"O Kung sino ka mang nilalang na pumasok sa katawan ng kaibigan namin! Nawa'y umalis kana sa kanya at wag nang babalik." Sabi ni Bea na Isa ring loka loka at sinabuyan pa ng alak si Rian.

Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Bea. Unexpected talaga na ganun pala si Reyna.

Pinaikot pa nila ang bote at mabuti nalang di ito tumatama sa akin. Marami na ang nakakagawa ng dare kaysa sa truth.

"Ang daya ba't di tumatama kay brinley ang bote?" Natawa ako sa pinagsasabi nila. maybe it's not yet my time.

"Ako na nga ang mag ikot." Suhestiyon ni Cassandra.

Pinaikot na ito Cassandra at sa kasamaang palad ay tumama na ito sakin. Naghiyawan sila dahil sa wakas 'daw' ay tumama na ito sakin.

"Truth or dare?!!" malakas na sigaw nila.

Borrowed TimeWhere stories live. Discover now