Para akong tanga dahil hinihila ko pataas ang off shoulder ko. Para kasing mahuhulog anytime though hindi naman kasi fit siya sakin. Feeling ko lang naman. Hekhek.
"Huy, mukha kang timang diyan kakahila niyang off shoulder mo." Sabi niya at tinapik ang kamay ko ng akmang hihilain ko naman ito.
"Kasi naman, parang mahuhulog sya eh, tapos yung tali parang matatanggal." Reklamo ko
"Eh tanga, ganyan talaga yan masanay ka na, tiyaka nagsusuot ka naman ng ganyan ah." Sabi pa niya habang papasok na kami ng venue.
"Hoy, oo nga nagsusuot ako ng ganito pero hindi naman talaga yung kagaya ng sayo na halos kita na yung dibdib."
"Ikaw na nga yung pinahiram ikaw pa yung nagrereklamo." Sabat niya pa.
"Aba sino ba ang nagpasama sakin dito ha? ha?" At pinanlakihan ko pa siya ng mata.
Nginitian lang niya ako at sinabing ''Kalma, kalma ang hb mo naman, iwasan mo na ang mga mamantikang pagkain." Inirapan ko nalang siya at nilibot nalang ang paningin sa venue.
Halos puno yung place at siksikan narin para mapunta sa harap. Ang init shet, may naamoy pa akong di kaaya-aya kaya nilingon ko sa likod ko si Ana para sana sabihing umupo muna sa may gilid dahil may mga tables na nakalagay pero wala na siya sa likod ko.
Paktay.
Sumiksik pa ako para hanapin si Ana ngunit hindi ko talaga sya makita dala narin sa dami ng mga tao. May mga natatapakan pa ako pero, wapakels dahil hinahanap ko si Ana.
Asan na ba kasi ang bruha na yon? Di ko manlang namalayang wala na siya sa likod ko. Argh kaasar talaga.
Nagsimula ng magsigawan ang mga tao dahil lumabas na rin ang mag babanda. Paka malas ko naman oh, san ako nito?
Sumiksik ako sa mga tao papuntang harap dahil baka dun ko mahanap forever ko. Char! Baka andon si Ana.
Mas lalong umingay ang paligid ng biglang mag strum ang guitarist nila.
"Omg ang gwapo nung nag gigitara. Sheeeeet. Ang gwapo mo kuyaaaaaaa."
"Mas gwapo yung drumer, ang lakas ng dating. Fvck."
"Siss tignan niyo yung vocalist. Makalaglag panty yung mukha. Mukha siyang artista. Kyaaaaah anakan mo ko."
"Ang ganda talaga ng bandang Cueshé, gaganda pa ng mga boses plus the looks."
Halo halong mga kumento ang naririnig ko pero mas lamang ang kay "vocalist".
Every fight needs mending
Every start has an end
Like the sunrise and the sunset
That's just how it is
The vocalist's voice is so smooth but cold. His voice sent shiver down my spine. The way he sang looks so very familiar to me. Like I already know his voice.
Love on borrowed time
Will never be yours nor mine
I need you like you need me
The way we ought to be
Damn, ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa di malamang dahilan.
Sa kumakanta ba ito o sa mga naglalakihang speaker.
At ng nakasingit na ako sa harapan ay kitang kita ko na ang mga nagbabanda at saktong napatingin sakin ang vocalist nila sabay kanta sa chorus ng nakangiti.