BT9

5 1 0
                                    

Ipaglalaban ko ang

ating pag-ibig maghintay

ka lamang ako'y darating

pagka't sa isang taong mahal mo

ng buong puso

lahat ay gagawin

makita kang muli

Kasalukuyan akong naliligo sa condo ko na katabi lamang ng condo ni Ana. Yes, lumipat na ako dahil regalo ito ni daddy noong gumraduate ako sa college ngunit hindi ko agad nilipatan dahil mas nais ko munang makasama ang pamilya ko.

Hindi sang ayon ang mga kuya ko sa isipang lilipat na ako sa condo kesyo daw kahit saan na ako mapunta dahil malaya na raw akong makakauwi kahit anong oras. Duh hindi naman ako ganong tao.....uh well naimpluwensiyahan lamang ako ni Ana na hindi ko naman pinagsisihan ngunit alam naman namin ang aming mga limitasyon.

Nakakamiss ang presensiya ng mga magulang at kuya ko, mga kulitan at asaran namin, mga tawa namin na bumubuhay sa aming bahay.

Haaaaaaay buhay.

Naghanap ako ng tiyempo bago ko kinausap si dad. Nasa garden ito at kasalukuyang umiinom ng tsaa. Kinakabahang humakbang ako papunta sa kanya.

Nang mapansin ni dad ang presensiya ko ay agad siyang lumingon sa gawi ko at nginitian ako. Di ko maiwasang purihin ang ama ko dahil sa angking gwapo at kakisigan nito kahit na may edad na ang ama ko. No wonder nainlove sa kanya si mom.

"What brought you here sweetheart?" Dad smiled at me and said it in a sweet tone.

Umupo muna ako sa tabi niya at pinagmasdan ang paligid. Mamimiss ko ito.

Hindi ko muna sinabi ang pakay ko at nakipag kwentuhan muna ako sa kanya. Matagal tagal narin pala ng huli kaming nag usap ni dad. Busy rin kasi ito sa ibang business namin habang ako ay may sarili ng trabaho.

"Ah how I miss talking with my princess." Dad said as he held my hand and squeezed it gently.

I laughed  when dad called me princess. "Dad I'm not a princess anymore, I'm a big girl now you know." I said and pouted my lips.

"Even though you're a big girl now or you already have a family, always remember that you will always be my princess." Dad smiled and ruffled my hair. I can see the contenment and happiness in my dad's eyes while looking  at me.

"I'm so thankful that you are my dad. You will also be my dad forever." Ngumiti ako ng matamis kay daddy at huminga ng malalim bago ko sabihin ang pakay ko. 

"So what's your objective here?" Ulit ni dad sa tanong niya.

Akmang magsasalita na ako ng makarinig kami ng mga yapak na papunta sa direksyon namin.

"Kayo kayo lang ang naguusap? Bat di niyo kami sinabihan? Family bonding pala to." Kuya Hester said.

Nakakapanibago talaga na magsalita ng tagalog si kuya. Hindi bagay parang timang lang siya.

Borrowed TimeWhere stories live. Discover now