BT8

5 1 0
                                    

My heart is beating so fast but in a good way. I felt comfort with his hug, like I've been longing this.

Kumalas siya sa yakap ko at hinila ako sa dagat. Agad kong naramdaman ang lamig ng tubig. Huminto ako ng bandang leeg ko na ang tubig ngunit kay Zach hanggang dibdib niya lang ito.

"Dito nalang tayo, di ako marunong lumangoy." Nahihiya kong sabi.

Naramdaman ko ang kamay ni Zach sa baywang ko at marahan akong hinila pa hanggang sa makarating kami kung saan nasa leeg na niya ang tubig. Kung Hindi siguro siya nakaalalay sa akin baka lumubog na ako dito.

Nakayakap ako sa leeg ni Zach habang siya naman nakayakap sa baywang ko. I feel safe by his hugged.

"I've been liking-- scratch the like, let me rephrase it. I've been loving you from afar." Panimula niya, tanging alon at hininga lang namin ang maririnig dahil malayo kami sa dalampasigan.

"Una kitang nakita nung birthday ng papa mo. My family was invited because of some business. And then there you are, sitting boredly in the chair where your family is. You we're with your kuya's that time."

Di ko na maalala marahil sa dami na ng party na naganap. Pero nakita na niya ako?

Umihip ang malamig na hangin ngunit balewala lamang ito sa init ng katawan ni Zach na nakayakap sakin. Naaninag ko ang mga kasamahan namin na lumusong sa dagat ngunit hindi nila kami napansin dahil medyo madilim sa parte namin.

"Maybe you don't remember it. It was a past years anyway. Since that day, I was stalking your Instagram everyday, what are you doing, or what's new about you. Your where abouts for short." Pagpatuloy niya pa sa pagsasalita.

Tahimik lamang akong nakikinig sa kanyang mga sinasabi. Humiwalay ako sakanya pero hindi ako bumitaw baka malunod ako. Pinagmasdan ko ang mapupungay niyang mga mata, matangos na ilong, mahabang pilik mata, makakapal na kilay at ang manipis niyang labi. Para siyang inukit at perpekto ang kinalabasan. No wonder marami ang nagkakandarapa sa kanya.

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin hanggang sa basagin ito ng maiingay kong kasamahan. Nagsasabuyan sila ng tubig at nahiwalay naman ako kay Zach. Jusko po di ako marunong lumangoy.

"Bat kayo magkayakap? At dito pa talaga ha? Nanliligaw siya sayo no? Ayieeeeee." Pangaasar sa akin ni Ana na sinabayan nila Elgin.

Pumunta naman ako sa likod ni Ana at sumampa sa likod niya.

"Ano ba brin ang bigat mo, umalis ka nga." Reklamo ni Ana.

"Hindi ako marunong lumangoy turuan mo muna ako." Suhestiyon ko.

"Aba 24 years ka ng nabubuhay sa mundo tapos di ka parin marunong lumangoy? Kawawa ka naman brin. How poor."

Napaka harsh naman magsalita nitong bobita na to. Sarap upakan ah.

Sarkastiko akong tumawa at mas hinigpitan pa ang kapit ko sa kanya. "Aba, di mo na ako lab? May gusto ka ng iba? Kapal naman ng mukha mong gaga ka, pasampa lang naman hindi ako marunong lumangoy eh." Natatawa narin ang mga nakarinig sa away namin ni brin. Sanay na kaming ganito kami mag salita.

Hinawakan niya ang kamay kong nakakapit sa leeg niya at inalis yun. Napabitaw naman ako at halos mamutla ako ng di ko na maapakan ang buhangin.  

Napasigaw ako sa kaba at naramdaman kong lumubog na ako. Tinatawanan lamang ako ni Ana ngunit tahip tahip na ang nerbiyos ko. Mas lalo akong kinabahan ng may humila sa baywang ko pababa para mas lalo akong lumubog.

Sumasakit na ang ilong ko dahil sa pumapasok na ang tubig alat. Pumunta sa harap ko ang humila sa akin at hindi na ako nagulat ng makitang si Zach ito. Halos mawalan na ako ng hininga ng bigla akong halikan sa labi na Zach at tiyaka niya ako hinila pataas upang may sapat na hangin akong malanghap.

Bwesit ka talaga Ana!!!!! Walanghiya ka talaga! Sigaw ko sa isip ko habang kumukuha parin ng hangin.

Nakakabinging sigawan naman ang namayani sa mga barkada namin. Inaasar nila kami at sinasabuyan ng tubig.

"Hoy, langhiya ka Anaaa!! Mapapatay kitaaa hayoop!!" Inis na sigaw ko sa kanya. Tanging tawa lang ibinalik niya sa akin at pati narin ang mga kasamahan ko.

"Guys, I have an idea. Punta tayo sa kabilang resort. Gabi naman na kaya walang makakita satin." Suhestiyon ni Chou the singkit. "Maglakad nalang tayo dito tutal malapit lang naman."

"Iba din talaga trip mo no? Eh pano kung may makakita satin tapos isusumbong tayo? Edi waley. Duh." Pagsasalita ni Cassandra.

"May gusto ka sakin Cass no? Ba't tuwing may sinusuggest ako lagi kang kumukontra? Aminin mo na Cass, di naman na bago yun sakin, sa gwapo ko ba namang to." Hambog na sabi ni Chou. Gwapo naman si Chou pero hambog nga lang pero dinadaan niya sa biruan kaya sanay na kami. Yun nga lang mahangin talaga siya.

"Kapal talaga ng apog mo, nudnod ko mukha mo sa buhangin eh." Inirapan siya ni Cassandra.

At nagbangayan na nga sila. Pumunta na kami sa pwesto namin at hindi na kami tumuloy sa sinuggest ni Chou dahil narin sa delikado tiyaka madilim din.

Humampas ang malamig na hangin habang binabaybay namin ang patutunguhan namin. I can feel Zach's stare at me at lumapit siya sa pwesto ko.

Magsasalita na sana siya ngunit naunahan na siya ni Reyna.

"So what's the score between you too?"
She said and everyone teased us.

"Oo nga ano na? Kayo na ba or nililigawan ka pa lang ni Zach? Your both single naman kaya walang magagalit o aangal."

Pinili ko na lamang manahamik sa mga salitang sinasabi nila. Because I don't know either.

To tell it honestly, it's really happened so fast.

Just like I'm in the bar, doing the dare that they wanted me to do...meeting him unexpectedly and...and...and then now.

And I'm afraid of what I'm thinking right now. Like what other people say.

What if his feelings for me is just temporary?

What if tomorrow it will flee? Or the other day? The next next day? I don't know.

I'll just go with the flow, just what I have said, then expect the unexpected.

Kung masasaktan man sa huli edi masasaktan. Ba't pa ako magmahal kung di rin lang naman masasaktan.

*****
BORROWED TIME

Borrowed TimeWhere stories live. Discover now