"Break up with him, I don't want him in the family."
Eto na nga bang sinasabi ko eh. May problema talaga silang dalawa tapos dinadamay pati relasyon namin.
"Hah! In your dreams kuya. I won't break up with him! I love him," I paused and look at him. "And hindi naman kayo ang magkaka pamilya, kami naman." Pilosopang sagot ko.
Napahilot naman siya sa sentido niya dahil sa katigasan ng ulo ko at umupo siya sa mesa niya. Katapat ko.
"Why are you so fvcking hard headed?! Can you please fvcking listen to me?!" He shouted.
"No offense kuya, but why would I listen to you? This is my life. My life, My rules." Matigas na sabi ko.
Agad namang nag itim ang aura niya at mas lalo akong sinamaan ng tingin. Teka naman, sinasabi ko lang naman yung totoo eh.
"What did you say? Kailan ka pa natutong sumuway sa 'kin Brin? Kailan ka pa natutong sumagot? Ganyan ba itinuturo niya sayo? Mga natutunan mo sa kanya?!" Nangangalaiting sabi niya.
"Hindi naman kita sinasagot kuya, sinasabi ko lang naman yung side ko. Tsaka wag mo ngang sisihin si Zach, wala naman siyang kinalaman dito." Katwiran ko.
"Don't fvcking say that lame excuses to me Corrine Brinley. As simple as that... Break up with him. Habang maaga pa, agapan mo na." He pointed at me while saying those words.
Nasasaktan na ako sa mga sinasabi ni kuya pero sige, may konti pa naman akong pasensyang natitira. Wag lang talaga niya akong sagadin.
"I don't want to break up with him. Kung ikaw kaya ang sasabihan ko ng makipag hiwalay ka sa jowa mo kuya, gaganahan ka? Hindi di ba?" Nagsimula ng magtubig ang mga mata ko habang nagsasalita. " Hindi ganon kadali kuya, at kahit kailan hindi magiging madali. Hulog na hulog na ako sa kanya kuya."
He uttered a curse before turning his glaring eyes on me. "Just fvcking listen to me Brin. This for your own good."
"He's fvcking good to me!" I shouted.
"What the fuck?! Get out of my office Brin. Get out!" He turned his back at me and I stood up.
"Whatever your saying kuya, but my answer is still no." Galit na sabi ko.
"Basta wag kang iiyak pag hiniwalayan ka niya Brin. Don't come to me." I close the door and breathe.
Nakaka suffocate sa loob. Hindi ako sasaktan ni Zach dahil mahal niya 'ko. He's just poisoning my brain with his words.
Ang daming kontra, ayaw nalang sumuporta.
Tinawagan ko si Zach at agad naman niyang sinagot.
"You okay?" I'm not okay.
"Where are you?" Tanong ko at binalewala ang tanong niya.
"I'm in condo. Why?"
"Can I come?" Say yes.
"Sure. You can always come here." Thanks God.
"I'm on my way. Bye."
Nag drive na ako papunta sa condo niya--- of fuck! I don't know where his condo!
Bago pa ako maka text sa kanya para magtanong ay naunahan na niya ako. Sinabi naman niya agad ang condo building niya at ang floor. Hindi naman ito kalayuan kaya mabilis lang rin akong nakarating. Pinindot ko naman ang 7th floor at sumandal. I can see my reflection through the elevator's and I look like a mess. Maga ang mata ko dahil kagagaling ko sa iyak. Namumula rin ang ilong at pisngi ko.