Napatitig ako sa mukha ni Ana'ng naka busangot habang nakapalumbaba sa mesa ko. Ano kayang problem nito at mukhang malalim ang iniisip?
Nagpapadyak ito sa sahig at may ibinubulong. Narinig ko ang ilang bulong niyang 'kainis' at 'kaasar'.
Itinulak ko ang mukha niya patagilid at tumama ang mata niya sakin. "Anong probleman mo? Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa sa mukha mo." Natatawang sabi ko.
"Kasi naman eh, tulungan moko brin. I need your help! Right now!!" Tinignan ko naman siya ng nagtataka.
"Oh anong maitutulong ko? Ano bang problema mo?" Tanong ko.
"Tulungan mo ko Brin! Ang laki ng problem ko! Hindi ko 'to kakayanin. Pano na ako? Ang buhay ko? Pano ka na pag wala ako? Ano ng mangyayari sa buhay ko nito? I am stressed right now!" She said exaggeratedly.
"Ano nga kasing problema mo? Pano kita matutulungan kung di mo sinasabi? Tanga lang to. Sarap mong hambalusin eh." Iritang sabi ko.
"Ang harsh mo naman magsalita teh. Ang sakit ha." huminga siya ng malalim na akala mo'y kasing laki talaga ng probelma niya at tiyaka siya nagsalita ulit. "Eh kasi naman kinuha lahat ni daddy yung card ko. Paano na ako makakapunta nito sa gala natin? Iniwan niya lang yung mga cash ko sa wallet. Tulungan mo ako Brin." Aniya at ipinakita ang nakakaawa niyang mukha.
"Yun lang problema mo Ana? jusmeyo ka, kaliit liit niyan eh akala ko anong malaking problema na talaga."
"Maliit? Brin di mo alam gaano kahirap mamuhay ng wala kang pera! Wala akong makain sa condo ko, ubos na mga stock ko! Tapos wala na akong damit! Paano tayo gagala? Eh matagal pa yung sweldo natin. Saan ako kukuha ng pang araw-araw ko?" Aniya. Pano kasi nasanay kasing nasusunod ang lahat ng gusto. Spoiled pero mabait. Tsk
Inirapan ko siya at binato ng pop corn bago ako magsalita. "May solusyon diyan duh. Use your brain Ana, wag puro paganda."
"Sakit mong magsalita, pero sige dahil sanay na ako babalewalain ko nalang."
"Umuwi ka nalang muna sa bahay niyo. Kung wala ka ng stock, doon madami. Kung wala ka ng pera, don sa bahay niyo di mo na yan kailangan kasi andon na lahat. At anong sinasabi mong wala ka ng damit? Itapon ko kaya lahat ng laman ng closet mo sa bahay niyo? Ang dami no'n ana. Mygaaad pati ako naeestress sayo." Sabi ko at hinawakan ang sentido ko. "And also, wala munang gala please."
"No. Ayoko sa bahay. And that's final. Andito ka naman na kaya okay lang, mabubuhay naman ako." At tiyaka siya ngumiti ng matamis.
"Hoy, galing mo rin maghanap ng paraan ano? Anong akala mo sakin tagaalaga at taga-pakain mo? Uwumi ka sa inyo." Pagtataboy ko sa kanya.
Sumama naman ang mukha niya. "Alam ko naman na di mo ako matitiis Brin eh. I know you." Tumigil siya saglit sa pagsasalita at ngumiti siya ng nakakaloko sakin. "Dito muna ako sa condo mo or ibubulgar ko na inlove ka na kay Zach? You choose my dear friend."
Nawindang ako sa huling sinabi niya. What the? Hindi naman ako inlove kay Zach at tiyaka ilang beses ko ba sabihin sa kanya na wala na akong connection kay Zach. Kaasar talaga tong babae na to. Linte jud tsk.
Sinamaan ko siya ng tingin at akmang sasabunutan ko na siya ng tumakbo siya sa katabi kong kwarto at tiyaka niya ito nilock.
"Walanghiya ka talaga Ana! napaka traydor mong gaga ka! Babalatan kita ng buhay pag makalabas ka diyan makikita mo. At hindi nga ako inlove sabi sa kanya eh. Tigas talaga ng ulo mo." Nagpapadyak na sabi ko.
"Ows talaga? sige lang, birthday ni Bodhi bukas makalawa tapos alam mo naman na malamang andon siya, at syempre isasama kita." At tiyaka niya binuksan ang pinto at nakapamaywang na humarap sa akin.